Chapter 18: Monkey Lord and Barbaric Tiger

95K 1.7K 46
                                    

Chapter 18: Monkey Lord and Barbaric Tiger

 

 

Viel's P.O.V

 

 

          "Wala na ba sila?"

          Malakas na batok ang nakuha ko sa kanya matapos kung itanong yun.

          "Aray! Bakit mo naman ginawa yun?!"

          "Adik ka ba?! Ako pa tinanong mo kung nandyan pa sila eh ikaw nga 'tong nandamay sa akin dito ano?!" ani nito saka napasilip mula sa likuran ng halamanan na pinagtataguan namin.

          Lihim akong napangiti.

          Natatawa ako sa nangyayari ngayon and on the way we approach each other. Parang noong mga college lang kami. Gaya nung una kaming magkakilala.

          Those were the time when this tiger called me a monkey lord. And the monkey lord fell in love with this dangerous tiger.

          Once upon a time there was this beautiful prince name Prince Viel who happened to meet this barbaric, unlady like tiger named Hanna.

          Just kidding! Let's go back to the scene were I first met Hanna's big brother...we're this crazy love story started.

Flashback [continuation of chapter 6.5]

 

 

          "K-Kuya mo yun?!" hindi makapaniwalang sabi ko.

          "Oo. Bakit?" mataray na sabi nya.

          Narinig kongng tumawa ang bestfriend nyang si Renji.

          "Hahaha! Wala na Viel! Bad shot ka na kay Kuya!"

          "Oo nga! Tama daw ba kasing pagselosan yung kapatid ni Hanna?!" natatawa pang sabi ni Sean. "Ayan tuloy! Umalis na si Kuya!"

          "Huh?! Anong nagseselos? Sinong nagseselos?" litong tanong ni Hanna.

          "Eh sino ba kung di si Vi—"

          Agad kung tinakpan ang bibig ni Ronan para hindi nya matapos ang balak nyang sabihin. Tiningnan ko sya ng masama saka naman ito nagtaas ng dalawa nitong kamay bilang senyales ng pagsuko at doon ko lang binitawan ang madadal nyang bibig.

          Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Hanna sa akin. Kibit-balikat lang ang sagot ko sa kanya. I need to act cool. Mamaya sabihin nya affected ako masyado sa sasabihin ni Ronan.

          "Viel likes you Hanna..."

          Lahat kami ay sabay-sabay na napalingon sa nagsalitang si JD. Humarap ito sa direksyon ko saka napangisi at kumindat pa talaga sa akin ang mokong!

          WTF! Ano daw yung sinabi nya?! Ako?! May gusto kay Hanna?! Wee?! Seryoso sya?! Kadiri ano! Yuck!

          Ako?! Papatol sa babeng barbaro na 'to?! NO WAY!

          Ilang segundo lang ay narinig ko ang malakas na tawanan ng mga barkada ko. Anak ng!

          "Hahaha! Yun oh! Nice one JD! Salamat sa pagsabi mo ng hindi ko natapos!" ani ni Ronan na tuloy pa din sa pagtawa.

My Ex, My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon