Chapter 25.5: First Dance

78.1K 1.4K 91
                                    

Chapter 25.5: First Dance

 

 

Hanna's P.O.V

 

 

          Pasado 11 na at hindi pa din tapos ang party. Lagot ako kay Daddy! Buti na lang at dito na din nag-aaral si Kuya Alex kaya wala akong poproblemahin pag dating sa pagbibigay ng palusot. Grabe naman yung mga event sa Westside! Magdamagan!

          "And now, we will start our Dance Party!" announce ni Renji.

          At matapos noon dumilim ang paligid at napalitan ang ilaw ng mga dim light at disco light. Naging makulay at maharot ang field. Naghihiyawan ang mga tao. Tsk! Mga party animal!

          "Nasaan si Sean! I want to dance with Sean! Sean play wit me!" Ngek! Akala ko ba dance? Para saan yung play? Saka, si Sean yung playboy di ba? O____O

          "Where's Ronan! Waaa! Prince Ronan dance with me!"

          "I want Renji! He's so cute! Renji! Pick me! Pick me!"

          "Prince JD! Please dance with me!" May nagyaya makipagsayaw kay JD?! Seriously?! Lakas ng loob noon ah! O___O

          "Prince Viel! Where's Prince Viel!"

          "I want the transfer student! The cool guy! Where are you?!"

          Hindi na talaga natapos ang tilian ng mga babae dito. At ngayon naman pinaghahanap na nila ang member ng Trinity X. Sino kaya yung sinisigaw nilang transfer student? Cool guy daw? Hmm...gusto ko syang makilala.

          "Hoy! Tinatawag ka ng mga fans mo!" siko ko sa katabi ko.

          Paglingon ko nakita kong nakapatong yung baba nya sa isang kamay nya—hindi pa din kasi nya binibitawan yung kamay ko—saka nakatingin sa direksyon ko. Teka! Kanina pa ba nya ako tinititigan?! O////O

          "Wala akong pakialam sa kanila..." cool na sabi nito. "I just want to look at your face till this event ends..."

          >///////< Ang galing magpakilig ng taong 'to promise! Ganito ba talaga yung mga in love o sya lang? Galing nyang bumanat! Banatan ko kaya 'to? Ang chessy eh!

          "Ano kayang magandang tawagan natin?" tanong nya sa akin.

          Tawagan? Para saan?

          "Para saan?" ulit ko sa tanong sa isip ko.

          "Endearment natin syempre!" hindi makapaniwalang sabi nito. "Why? You're not interested?!"

          Heto na naman sya! Naninigaw na naman.

          "Pwede ba? Wag mo nga akong sinisigawan?!"

          He looks guilty. Awww! So cute!

          "I'm sorry..." tapos ay yumuko sya.

          Napabuntong-hininga na lang ako sa kanya.

          "Hindi pa din kasi ako makapaniwala na....na you're mine. Finally mine..." mahinang sabi nito saka nagpatuloy. "Naiisip ko na baka pinagtitripan mo lang ako at bukas sasabihin mong joke lang yung nangyari ngayon..."

          Sa lahat ng nagdadrama, si Viel na yata yung pinaka-adorable. Para syang batang paslit!

          Napangiti ako saka ko pinisil yung kamay nya na nakahawak sa isa kong kamay. Napalingon naman sya sa akin.

My Ex, My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon