Chapter 22: My Savior

92.9K 1.8K 144
                                    

Chapter 22: My Savior

 

 

Hanna's P.O.V

 

 

            "Hanna, may isusuot ka na ba?" tanong sa akin ni Camille.

          "Huh? Isusuot saan?"

          "Para sa welcome party mamaya!"

          "HUH?"

          Nandito kami ngayon sa sikat na tambayan sa Westside. Ang forest. Dahil sa vacant ko naman ngayon at wala naman akong balak tumambay sa classroom namin while waiting for our next class, bumaba muna ako dito kasama ang kaibigan ko na sila Camille, Tricia at Melanie.

          "Mukhang wala talagang alam sa mundo ang batang 'to! Tsk!" sabi nman ni Melanie. "Ano ka ba girl! Welcome party na ng mga freshmen mamaya!"

          "And so?" mataray na sagot ko.

          I HATE PARTIES. Kakabagot lang doon sa loob noon. Especially formal parties. You need to act nice, well-mannered, have etiquette etc etc! Hastle lang sa akin iyon! Matutulog na lang ako sa bahay.

          "Ano ka ba that's a big event dito sa Westside!" sabi naman ni Tricia. "You'll get a chance to meet and greet the Princes of Westside!" kinikilg pa na dugtong nito.

          I just shrugged my shoulder.

          Bale-wala lang sa akin yung party na yun especially the part where 'I get the chance' to meet and greet the infamous princes of Westside the Trinity X. Sus! Eh lagi ko namang nakikitang pakalat-kalat sa school ang mga iyon so why bother right? Matutulog na lang ako sa bahay.

          "C'mon naman Hanna! Sumama ka na!" pamimilit ni Camille. "Ang daya mo naman eh! Porque close mo yung Trinity X hindi ka  pupunta sa welcome party. Sayang yung binayad mo doon sige ka!"

          "Huh? Anong binayad?"

          "Girl, kasama yung mga event ng school sa binabayaran natin dito sa Westside. Kaya kung di ka pupunta, sayang yung binayad mo."

          Ganoon? Tsk! Kurakot pala ang school na 'to!

          "Sumama ka na please?" pagpapacute naman ni Tricia.

          Napabuntong-hininga na lang ako sa kanilang tatlo. Thank God gusto sila kaya pagbibigyan ko na lang.

          "Sige na. Pupunta na."

          "Yehey!" sabay-sabay na sabi ng tatlo saka nagsi-high five.

          I smile at them. Parang mga bata. But they all look cute.

          "Dahil sa sasama ka na naman na, samahan mo na rin kami sa mall mamaya para mamimili ng damit.

          Tumango na lang ako sa kanila. After all, wala rin naman akong isusuot sa welcome party na iyon kaya sasama na lang ako. At isa pa, ano bang isusuot dun? Kailangan ba pormal or coacktail? Ewan! Bahala na!

          I have a confession to make. I am a shopaholic. I love shopping. I love dress. I love shoes. I love accessories. I love fashion. Everything aesthetical. I really love looking and wearing cute and fabulous dresses.

My Ex, My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon