Chapter 21: Heartbeat

83.7K 1.6K 33
                                    

Chapter 21: Heartbeat

 

 

Viel's P.O.V

 

 

          Asar 'yung mga tsismis sa school! Ba yun! Daming alam! Kainis?! Sino bang nagsulat ng tsismis na 'yun?! Sasapakin ko talaga oras na malaman ko!

          "Hanna sandali lang!"

          Napaangat ako ng ulo mula sa pagkakayuko ko sa may mesa sa may tambayan nang marinig ko ang pangalan ni babaeng barbaro.

          "Hanna wait!" tawag ng isa sa lalaking sumusunod kay Hanna.

          What the?! Who's that pokemon?!

          "Hanna!" tawag ulit ng lalaki saka hinawakan sa braso ni Hanna.

          "Ano ba?! Leave me alone!"

          Teka! Mukhang in trouble yata si babaeng barbaro!

          Kahit nandito ako sa third floor ng Engineering departmert—sa isa sa mga vacant at hindi ginagamit na room sa pinakadulo ng corridor ng floor na 'to—na opisyal na ginawang tambayan ng Trinity X (brotherhood namin), dinig na dinig ko pa din ang pagsisigawan I mean, pag-uusap ng dalawang nilalang na iyon sa baba.

          Hmm...ano kayang meron? Makiki-usyoso nga.

          "Please let me court you!" pathetic na sabi ng lalaki.

          May nanliligaw sa Tigre?! Aba! Bago 'yun ah!

          Gusto ko sanang tingnan kung sinong malakas na loob na lalaking iyon ang nangahas manligaw kay Hanna. Pero unfortunately, (Yes! English! Napapa-english talaga ako magmula nang makilala ko ang babaeng iyon.) nakatalikod sa direksyon ko ang lalaki. Psh! Sayang! Hindi ko makita ang itsura nya!

          'At bakit mo naman gustong makita ang mukha ng lalaking 'yun?' sabi ng isa sa bahagi ng isip ko.

          'Wala lang. Gusto ko lang malaman.' sabi naman ng kabila.

          'Wee? Baka naman kaya gusto mong makita kasi para makita mo kung sino 'yung sunod mong sasapakin?' sabi ulit nung nauna.

          'Huh?! Pinagsasabi mo dyan?!'

 

 

          'Nagseselos ka tuwing may kasamang ibang lalaki si Hanna...'

 

 

          'HINDI NO!'

 

 

          'Umamin ka na! Gusto mo sya! Uyy! Kinikilig na 'yan!'

 

 

          Bigla kong hinampas ang noo ko para matigil ang mga nagbabangayan sa utak ko. Ano ba 'tong pinag-iisip ko! Nababaliw na yata ako!

          'Hindi ka baliw! In love ka lang!' pangungulit ulit nung isa.

          Napangiwi na lang ako sa sinabing iyon ng isang parte ng utak ko.

My Ex, My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon