Chapter 20: Couple Shirt?!

81.7K 1.7K 68
                                    

Chapter 20: Couple Shirt?!

 

 

Hanna's P.O.V

 

 

          "OMG! Nakita mo ba yung suot nya?!" narinig kong bulong ng isa sa mga estusdyante sa may hallway.

          "So totoo pala yung balita?! Gosh!" bulong pa ng isa.

          Mga adik din tong mga to eh no? Bubulong-bulong pa eh dinig na dinig din naman sila!

          "Hindi ba iyan din yung under shirt ni Prince ngayon?!"

          "Kyaaaa! So ano yan?! Couple shirt nila?!"

          'Ako ba pinag-uusapan nila?' sa isip ko.

          Bigla kong nilingon ang mga tsismosa na iyon pero sa paglingon ko ay saka naman sila nag-iwas ng tingin at naglakad palayo sa akin.

          Napatingin tuloy ako sa suot kong tshirt na pinahiram ni Monkey Lord. Hindi kaya may amoy na 'to kaya nya pinahiram sa akin?

          Wala sa loob na inamoy ko ang shirt. Titingnan ko lang kung mabaho ba talaga. Pero nagkamali ako. Ang bango! Grabe! Ano kayang pabango ng lalaking iyon at makabili nga ng isa! Bibigay ko kay Kuya. Ganda ng taste nya sa pabango ah? ^____^

          "Hi Hanna~!" ^__________________^

          Napataas ang kilay ko nang makita ko ang dalawa sa mga kaibigan ng Monkey Lord na sina Sean at Ronan—kung hinid ako nagkakamali.

          "Ah...hi?" alanganing sagot ko.

          Nakangiti silang lumapit sa akin. Pero nang makalapit na sila, ay bahagya silang napaatras nang makita ang damit na suot ko.

          "Saan mo nakuha yan?" tanong ni Sean.

          "Bakit suot mo yan?" tanong naman ni Ronan.

          "Huh?"

          Muli akong napatingin sa tshirt. Ano bang kakaiba dito? Parang wala naman eh! Well, meron pala.  'Yung pagkalaki-laking nakaimbose at bold na "I ♥ROCK" sign.

          "Kung tama ang hinala ako, that's Viel's favorite shirt!" sabi ulit ni Sean.

          "Kaya pala mukhang pamilyar." sabi naman ni Ronan. "Saan mo nakuha yan?"

          "Pinahiram sa akin ng kaibigan nyo."

          Sabay pang napasinghap (sa O.A na paraan) yung dalawa. Ano bang meron sa shirt na to?!

          (,^^) (^^,) Sean and Ronan's face at this moment.

          "Ano bang meron sa shirt na 'to at parang big issue sa buong school na 'to huh?!"

          "Nothing" si Ronan. ^___^

          "Nothing." gaya-gayang si Sean ^___^

          "Ano nga?!"

          "Well, kung mapilit ka talaga..." panimula ni Ronan. "Yang damit na yan lang naman ang pinakapaboritong damit ni Viel. Actually dalawa ang ganyan nya. Isa para isuot nya, isa pang display/collection."

          "Eh ano naman ngayon?"

          Sean (,^^) (^^,) Ronan

          "Tigilan nyo nga ang pagngingitian nyo! Kinikilabutan ako!"

          "Actually Hanna..." sabi sa akin ni Sean saka umakbay sa akin. "Never pinahawak ni Viel ang shirt na 'yan sa kahit kanino."

          "O, tapos?"

          "Meaning, you're special to him!" si Ronan. ^______________^

          "Eh mga adik pala kayo eh!" sabi ko na lang saka alis sa naka-akbay na kamay ni Sean. "Nabasa kasi damit ko kaya nya pinahiram sa akin 'to. Wag nga kayong malisyoso!"

          "Alam mo Hanna, kahit nasusunog pa 'yang damit mo, lamigin ka man, o makita ka nyang hubad, never as in NEVER nyang ipapahiram sa'yo ang damit na yan."

          "Ang O.A nyo naman..." sabi ko na lang pero ang totoo parang naiilang na akong isuot ang damit na 'to.

          "At alam mo ba, sabi pa nya sa amin noon, ipapasuot nya lang daw ang damit na 'yan sa magiging girlfriend nya." si Sean ulit.

          "Eh baka naman naipasuot nya na 'to sa mga ex nya dati."

          "Malayo man sa mukha nya, pero, hindi pa nagkakaroon ng girlfriend si Viel. Pihikan masyado yun! Ang taas ng standards!" sagot naman ni Ronan.

          Napanganga na lang ako.

          Si Monkey Lord? Never pang nagkakagirlfriend?! Weee?! Di nga?!

          "Speaking of the devil..." sabay na sabi ng dalawa sabay nguso sa likuran ko.

          Hindi ko alam ang gagawin ko. Lilingunin ko ba sya o tatakbo? Pero teka! Bakit naman ako tatakbo?!

          "KYAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!" >//////////////////<

          Boom! Basag ang ear drum ko sa lakas ng tilian ng mga babae sa Wetside! Saan 'yung sunog?! Saan?!

          "Kyaaaaa!" paggaya naman nila Sean at Ronan. Isa pa 'tong mga 'to!

          Pwe! Di bagay! Laswa! Kadiri! Ewww!

          "Hoy! Babaeng barbaro!"

          Nakataas-kilay ako nang lingunin ko sya pero agad ding nawala iyon ng mapansin ko ang suot nyang tshirt sa ilalim ng nakabukas nyang polo.

          I ♥ROCK

          "They're wearing the same shirt!!!!!" tili ulit ng mga babae sa paligid namin.

          "OMG! I want that shirt too! Para parehas kami ni Prince Viel! Saan ba nabibili 'yan?!" ani pa ng isang malanding babae doon.

          "Swerte naman ni Hanna! I want to wear the same shirt too!"

          "So, sila na talaga? Is that they're official couple shirt?!"

          Huh?! HUH?! HUH?!!!  O_________O?!

          Ano daw?! Couple shirt?! What the!

          *Tingin sa suot ko, tingin sa suot ni Viel. Tingin sa suot ko, tingin sa suot ni Viel*

          (=_____=)

          (=_____=)

          (O_____O)

          (O_____O)

          (O///////O)

A/N: Ayun! Musta naman yung couple shirt nila di ba? I LOVE ROCK! Ahahaha! Frustrated rakista kasi yang si Viel eh!

 

P.S. Kulet nila Sean at Ronan ano? Yan yung laging nakatira ng katol sa kapatiran nila eh! Ahahaha!

 

COMMENT! COMMENT! COMMENT! VOTE DIN KAYO KUNG TRIP NYO. ^_________^

My Ex, My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon