Chapter 1: Bakit sya pa?!

306K 6.4K 1.1K
                                    


Hanna's P.O.V

Anak ng tokwa naman talaga o! Bakit sya pa?! 

Bakit sya pa ang new math teacher namin?!

Bakeeeeeeet?!

"Psst! Girl! Nung nangyayari sa'yo? Para kang nakakita ng multo ah? Prob?"

Napatingin ako kay Hayley. Parang gusto kong isigaw sa pagmumukha nito na may multo talaga sa harapan nila!

Kung makikita ko lang ang sarili ko ngayon, paniguradong kasing putla na ko ng mga Geisha. Alam mo yun?! Para akong binabad ng sampung beses sa sukang paumbong eh! O kaya ilang beses akong iminudmod sa harina!

Nakatingin pa rin sya sa akin!

Shet naman oh! Wag mo kong tingnan ng ganyan! Nasa sahig na yung panty ko! >.<

"Is there any problem miss?" tanong pa sa akin ni Sir.

"H-Huh? Ah...eh..."

Pak! Wa me ma-say! What should I do?

Viel's P.O.V

Akala ko guni-guni ko lang yung nakikita ko.

Akala ko nanaginip ako.

Pero shet pare hindi eh!

Tangna! Yung ex-girlfriend ko nasa harapan ko na!

Si Hanna! Yung jowa ko sa dati kong school.

Tangna! Ang sakit sa dibdib dude! 

Ang tagal na naming hindi nagkita. Almost 2 years na rin.

Nagulat na lang ako nang bigla syang umaalis sa school ng walang paalam.

Ni ha ni ho wala! As in NGANGA!

Ito ang nangyari noong mga panahong iyon...

*Flashback*


Isang---

"Sir! May gilrfriend na ba kayo?"

Ba 'yan! Panira sa flashback! Sino ba yung nagtanong na yun?!

Nilingon ko yung nagsalita. Isa syang bakla. Yung baklang nakaupo sa tapat ng table ko. 

Ba yan! Kapag minamalas ka nga naman o! Tsk! Shet! Ayoko ko sa bakla! Hate them! Argh!

"Girlfriend...wala...ex meron..." sabi ko sabay lihim na napatingin sa direksyon ni Hanna.

Pero mukhang hindi nya ako narinig kasi lumingon pa ito sa likuran nito.

'Ano bang ginagawa nya?' sa isip ko.

Matapos nitong lingunin ang kung sino man na nasa likuran nito---

Teka! Teka! Wag mong sabihing may nakita na naman itong multo?!

Naaala ko pa noon...noong kami pa. May third eye ang babae na ito. 

Nagugulat na nga lang ako nang bigla itong lilingon tapos biglang kikilabutan. And worst magtititili at tatakbo palabas.

Parang timang lang! Pero isa iyon sa mga nagustuhan ko sa kanya.

Yung nakakakita ng multo? Hell no! 

Yung cute na reaction nya everytime may 'nakakakita' sya ng multo.

Napatingin sya sa akin...syet! Wag ako! Wag mo akong tingnan ng ganyan! Masasampal kitang babae ka!

'Opps! Teka Viel! Relax lang! Kalma lang! Alalahanin  mo, professor ka na ngayon, estudyante mo sya. Bawal yung ganyang malalagkit na tinginan! Gusto mong mawalan ng lisensya?' bulong sa isipan ko.

My Ex, My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon