Chapter 10

99.6K 2.1K 29
                                    

           

"Viel..."

           

Bigla akong napalingon ng marinig ang pamilyar na boses na iyon.

           

"Hanna..." mahinang sabi ko. "I mean, Miss Adriano what—"

           

"We need to talk..." wika nito saka sya tinalikuran at naunang naglakad.

           

Nalilito man sya ay sumunod na lang sya dito. Ano ang pag-uusapan nila? Tungkol ba to sa nakaraan nila?

           

Dumerecho sila sa isang pasilyo at pumasok sa pinakadulong room doon. Bago sya pumasok, napalingon muna sya sa paligid. Baka kasi may makakita sa kanila doon at ano pa ang sabihin. Mabuti na lang at maaga pa at wala pang masyadong mga tao sa school. At ang mga ilang estudyante ay nasa may canteen at doon nagpapalipas ng oras. Silang dalawa lang ang nasa palapag na iyon. Pumasok na rin sya at isinara ang pinto sa likuran nya.

           

"Anong pag-uusapan natin?" sabi nya sabay biglang kumirot ang ulo ko.

           

Hang over. Ano bang naisip nya kagabi at uminom sya ng napakarami? At sa lahat pa talaga ng guguluhin nya, si JD pa ang pinuntahan nya. Kung bakit kasi nasa Japan si Renji eh! Wala tuloy sya makausap...well, si JD pwede and he's also one of my best buds. Pero, alam mo yun? Parang ang awkward? Ewan! Yun ang nararamdaman ko yun kay JD eh. He's too...what, dark?

           

"About us..."

           

So tama pala ang hinala nya. Ito ang matagal na nyang hinihingi dito...ang mag-usap sila. At ngayon nga ay pinagbigyan sya nito. Pero bakit iba ang pakiramdam nya sa magiging pag-uusap nilang ito?

           

Nakita nyang bumuntong-hininga muna si Hanna bago ito nagsalita.

           

"You know, Viel, we should end this..."

           

Huh? End what?

           

"Stop chasing me, Viel. I'm over you. We're over." plain na sabi nito. "Kalimutan na natin ang namagitan sa atin dati dahil nakaraan na yun. We have our lives now...you have your own. You're my professor now and I'm your student. Ano na lang ang sasabihn nila sa atin kapag malaman nila ang tungkol sa bagay na iyon? You might loose your license kung patuloy mo pa ring babalik-babalikan ang nakaraan. Stop bothering my life, Viel. Mind your own."

           

Matapos noon ay dere-dercho ito sa pinto. Pero bago pa man nya mabuksan iyon ay nahawakan nya ito sa braso.

           

"Ganoon na lang iyon? Iyon ba ang pag-uusapan natin? You, leaving me again?"

           

Nakatitig lang si Hanna sa may sahig.

           

"Bitawan mo ko, Viel..."

           

"Bakit ka umalis noon Hanna?" sabi ko sa mahinang paraan. "Bakit?"

           

"Viel—"

           

"SAGUTIN MO ANG TANONG KO HANNA!" hindi nya mapigilang mapasigaw. "Why...why did you leave me?"

           

Ilang butil ng luha ang unting-unting nahuhulog sa mata ni Hanna ng harapin sya nito. Nasasalamin sa mata nito ang nararamdaman nya ngayon. He wants to cry too pero pinigilan nya iyon. Hindi nya gustong magmukhang mahina sa harap nito.

           

"I have no choice, Viel...I have no choice..."

           

At matapos nitong sabihin iyon, bigla syang may naalala...ang araw kung kailan nawala si Hanna sa buhay nya...

My Ex, My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon