Chapter 38: Our Night Together

71.3K 1.3K 36
                                    

Chapter 38: Our Night Together

 

 

Viel's P.O.V

 

 

          "Hanna?" tanong ko sa sarili ko nang may makita akong isang babae na nagpapaulan at nakaupo sa isa sa mga swing na nasa park na iyon. "My God! Hanna!"

          Bigla akong napatakbo sa direksyon nya. Mabuti na lang at nagpasya muna akong maglakad-lakad matapos kong umalis doon sa bar na pinag-inuman namin nila JD at Renji.

          "Anong ginagawa mo dito huh?! Bakit nagpapaulan ka huh?!" sermon ko sa kanya.

          Kung bakit kasi wala akong nadalang payong ngayon eh! Saka malay ko bang uulan? Hindi ba dapat pag ganito yung mga eksena, may dala kang payong at saka mo ibibigay sa bida para hindi na sya mabasa sng ulan? Kalokohan talaga ng mga palabas sa TV!

          Dahan-dahan syang nag-angat ng tingin sa akin. She gave me a faint smile. Teka! Bakit namamaga yung mata nya? Umiyak ba sya?

          "Viel I—"

          "Hanna!" agad ko syang sinalo nang bigla na lang bumigay yung katawan nya pagkatayo nya sa may swing. "Hanna! Hanna!"

          Marahan kong tinatapik yung pisngi nya habang tinatawag ko yung pangalan nya.

          "Sh*t!" mura ko saka sya binuhat. "Hold on Hanna! Please! Don't do this to me!"

***

 

 

          "Young master ano pong nangyari sa kasama nyo?" salubong sa akin ng head butler namin.

          "Maghanda kayo ng mainit na tubig at pamunas pati na rin ng makapal na kumot! Tawagan nyo na rin yung doktor! Bilisan nyo!"

          Dali-dali namang kumilos yung mga katulong namin at saka ko inakyat si Hanna sa kwarto ko.

          She's soaking wet pero ang init-init ng katawan nya. Mukhang nagdedeliryo na rin sya dahil na rin sa panginginig ng katawan nito.

          "Ilang oras ka na bang nagbababad sa ulan huh?" nag-aalalang sabi ko sa kanya.

          Alam kong katangahan iyon dahil hindi naman nya ako maririnig. Pero nagulat ako nang bigla syang magsalita.

          "Lloyd..."

          THE F*CK! Bakit nya binanggit yung pangalan ng lalaking iyon?!

          Pasipa kong binuksan yung pinto ng kwarto ko saka sya dahan-dahang inilapag sa gitna ng kama ko. Wala na akong pakialam kung mabasa man iyon o hindi. Ang mahalaga ay magamot ko si Hanna.

          Hindi ba nya naalalang may sakit sya?! Paano kung makasama sa kanya yung pagpapaulan nya?! Nakakainis talaga ang babaeng 'to!

          "If you don't care about yourself, please take care of yourself for me..." sabi ko habang marahan kong hinahaplos yung buhok nya. "Why are you doing this to me Hanna? Hindi ka ba napapagod na pag-alalahanin ako huh? Hindi ka pa ba nagsasawa?"

          Nakarinig ako ng mahihinang katok sa may pinto.

          "Young master nandito na po yung inutos nyo. Yung doktor po mukhang bukas pa darating. May bagyo daw po kasi. Hindi daw po sya—"

My Ex, My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon