Chapter 8

120K 2.5K 98
                                    

Llyod's P.O.V

           



Nandito kami ngayon sa may basketball court...kasama girlfriend kong si Hanna. ^____________^

           



Lunch break. Bumili ako ng pagkain sa labas ng school. Kanin at siomai. Just like what Hanna like her food.

           


Kumakain kami. Well, ako lang pala, sa may bleachers nang mapansin kong nakatulala sya sa isang direksyon...sa kawalan.

           



"Okay ka lang babe?"

           



"Huh?" nakita kong nagulat sya nang magsalita ako.

           


"May problema ba?"

           


Tumingin ito sa akin saka yumuko lang ulit.

           


"Wala..."

           


Hmm...ano kayang bumabagabag sa girlfriend ko?

           


"C'mon! Sabihin mo na? May problema di ba?"

           


Napansin nya siguro na concern ako sa kanya kaya muli nya akong hinarap. Pagkatapos ay ngumiti.

          


  "Wala nga. Wala lang siguro ako sa mood kumain ngayon..."

           


Nanlaki mata ko sa narinig ko. Si Hanna wala sa mood kumain?! Ang babaeng wala ng inisip kundi pagkain sa loob ng isang araw, ayaw kumain?!

           


"Okay! Mukhang malalala nga yan. Anong problema?"

          



  Bumuntong-hininga ito saka tila nag-isip. Maya-may lang ay nagsalita na ito.

          


 "Ano ang gagawin mo sa sitwasyong to...." panimula nya. "Halimbawa, nakita mo ang ex mo sa school mo. Matagal na kayong hindi nagkita at ang huli nyo pang pagkikita ay hindi masyadong maganda. At itong ex mo ay hindi mo hiniwalayan ng maayos so technically parang kayo pa din. Tapos ngayon, gusto nyang mag-usap kayo...bigyan sya ng dahilan kung bakit mo sya iniwan noon. May rason ka. Pero ang rason na yun ay hindi mo pa kayang sabihin ngayon. Anong gagawin mo?"

My Ex, My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon