Chapter 43: Vacation

61.8K 1K 49
                                    

Chapter 43: Vacation

 

 

Hanna's P.O.V

 

 

          "Bakit hindi ka pumasok kahapon? May nangyari bang masama sa'yo? At isa pa, bakit hindi mo sinasagot yung mga tawag ko sa'yo huh? Ano ba talagang nangyari sa'yo kahapon huh?!"

          Napasuklay sa buhok nya si Viel habang sinasabi nya yung mga iyon sa akin. Mababakas sa mata nya ang hindi matawarang pag-aalala para sa akin. Napangiti ako ng lihim sa kanya. Mas lalo lang tuloy ako nagkakaroon ng dahilan na hindi sabihin sa kanya yung pagkaka-ospital ko.

          'I don't want to worry him more than he already do.'

 

 

          "Wala lang tinamad lang ako." sabi ko sa una nyang tanong. "At isa pa, naiwan ko sa kwarto ko yung phone ko kahapon. Akala ko nga na-isnatchan ako eh! Laking pasalamat ko nga ng makita ko yung phone ko sa kwarto ko! Pwew!"

          'Sige Hanna! Magsinungaling ka pa sa kanya! Kaya mo yan!'

 

 

          "Ganoon ba?" unti-unti nakahinga ng maluwag si Viel saka nya ako niyakap. "Akala ko ano ng nangyari sa'yo kahapon. Pinag-alala mo ko alam mo ba iyon?"

          'Don't cry Hanna! Lakasan mo loob mo! Kaya mo yan!'

 

 

          "Sorry naman." sabi ko saka ginantihan yung yakap nya ng mas mahigpit. "I love you Viel."

          Biglang bumitaw si Viel sa pagkakayakap sa akin saka ako bahagyang nilayo sa kanya.

          "Why do I have this feeling na may itinatago ka sa akin Hanna?"

          'Paano nya nalaman?'

 

          "H-Huh? A-Ako?! Wala ah!"

          "Nauutal ka kaya alam kong nagsisinungaling ka." nagdududang sabi sa akin ni Viel.

          'Think Hanna! Think! Kailangan mong maka-isip ng isasagot sa kanya!'

 

 

          "Bakit? Masama bang sabihan ka ng I love you ngayon huh?" sabi ko saka umarteng nagtatampo at tinalikuran sya. "Kung ayaw mo di wag! Tsk!"

          'Lie Hanna! Lie! Don't cry!'

 

 

          Muli kong naramdaman yung mga yakap ni Viel sa baywang ko mula sa may likuran saka nya ipinatong yung  baba nya sa may kanang balikat ko.

          "I'm sorry...." hinging paumanhin nito. "Hindi ko naman gustong masamain yung sinabi mo eh! Nagulat lang ako. Usually kasi ako ang madalas na magsabi sa'yo noon. Nagulat lang ako." sabi nito saka ako pilit iniharap sa kanya. "The last time you become sweet to me was also the time na iniwanan mo ako. And last night, I have this strange dream na iiwan mo ulit ako. Na mawawala ka sa akin kaya ko nasabi ang mga bagay na iyon. I'm sorry and I love you too Hanna."

My Ex, My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon