Chapter 4: The Encounter

190K 3.4K 313
                                    


Viel P.O.V

Pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ko, agad kong ibinagsak ang katawan ko sa malambot na kama. Nakakapagod na araw 'to. Pagod ako hindi dahil sa trabaho, kundi sa mga bali-balitang nasagap ko. 

Nakakainis lang! Kasi parang alam na ng buong mundo yung relasyon namin dati ni Hanna kahit hindi naman. Paano ba naman kasi, grabeng torture yung ginagawa nila sa akin! 

Una, ilang beses kong narinig sa mga estudyante ko sa ibang klase ang relasyon ni Hanna at ng Lloyd na yun! Na super sweet daw ni Lloyd kay Hanna. Na sana si Hanna na lang daw sila kasi napakaswerte daw talaga ni Hanna kay Llyod. Na ang tagal-tagal na daw nila. Na si Hanna daw ang nagpabago kay Lloyd. Ba yan! Badtrip di ba?!

Pangalawa, ilang beses ko ding nakikita si Llyod at si Hanna na pakalat-kalat sa school at naglalambingan! Waaaaa! Inis!  >.<

At pangatlo, nabalitaan nya na si Llyod DAW  ang first boyfriend na sineryoso ni Hanna!

Ano yun?! Yung amin joke lang?! Gag*han?! Na yung pinagsamahan namin ay trip trip lang?! Tangna! Ang sakit pre! Tagos hanggang puso!

Napalingon ako sa bedside table ko at kinuha ang picture frame na naroon. Picture nila iyon ni Hanna na kuha noong first year anniversary nila. Si Hanna nakatingin ng derecho sa mata nya at ganoon din sya. Pareho silang nakangiti at nangnining ang mga mata. Mapapansin mong in love na in love silang dalawa sa isa't-isa....

Noon.

Iba na ngayon.

May Llyod na ito.

Samantalang sya nakakapit pa rin sa nakaraan.

Sana kasi hiniwalayan na lang sya ni Hanna eh! O kaya harap-harapang niloko at ipinagpalit sa iba. Mas matatanggap nya pa yun! Kesa naman sa bigla na lang 'to aalis ng walang paalam.

Muli nyang naalala kung paano sila nagkakilala ni Hanna 2 years ago.

*Flashback*

Member sya ng isa sa pinakasikat at makapangyarihang prat sa eskwelahan nila...actually, isa sya sa lord ng grupo...ang pinakamataas sa lahat. At since first day ng school, kailangan nilang makakuha ng mga new memebers. Gustuhin man nila o hindi, wala rin naman silang magagawa kudi sumali.

Sila ang batas! At ang hindi sumunod sa batas, magkakaroon ng kaukulang parusa.

Nasa may classroom sya ng mga panahong iyon, malapit sa may bintana. Nakatapat sa mata nya ang dalang binoculars, tumitingin ng maaaring irecruit. Ang mga bata naman nya ay nagkalat sa school grounds...naghihintay ng signal nya.

Sa paghahanap nya ng pwedeng isali sa samahan, isang babae ang nakapukaw sa atensyon nya. 

Simple lang ang suot nito kahit first day of class. Naka-uniforme na agad tapos may dalang medium size na shoulder bag. Hanggang balikat ang buhok nito na nakalunggay. Mukhang mataray, ang talim tumingin eh.

"Hmm....challenge." sabi nya sa sarili sabay dial sa cellphone. "Kuhain nyo yung babae sa may gate na naka-uniform. Hanggang balikat ang buhok, mataray."  tapos binaba na nya ang phone at muling tumingin sa binoculars.

Napangiti sya ng makitang medyo nagulat at natakot ang babae nang lapitan na ito ng mga bata nya. Paano ba naman, mga mukha talagang sanggano ang mga bata nya. Prat na prat. Ganoon din naman sya...pero dahil nga sa gwapo sya, hindi halata. Nadadaan talaga sa mukha ang lahat ng bagay. XD

"Ano ba bitiwan nyo nga ako!" sigaw ng babae habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ng mga bata nya. "Ano ba?! Sinabi ng bitiwan nyo ako eh!"

My Ex, My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon