IHF. Chapter2

29.7K 554 71
                                    

Daniel's POV 

"SOLID BRAD!!" eto ako nagkukwento kay Enrique tungkol sa pagkakabunggo ko kay Ehem, sa pinakamamahal kong prinsesa ng primetime. 

Kathryn my loves! 

"Ewan ko sayo, alam mo-tsk! Kung di lang talaga kita kilala, iisipin ko talagang bakla ka!" 

At kung di ko lang talaga kaibigan 'tong si Quen eh, kanina ko pa to pinatay. 

Naghintay kame dito sa may upuan namin,malamang. Ang tagal mag-umpisa eh, tapos maya-maya lumabas na si 'Dorji' yung sa princess and I. Yung assistant ni Ashi Mukhang Buni.

"Helloooooooo!" Dorji. 

Hiyawan sila, ang mga fangirls. Syempre, ako? Tahimik lang, magrereserba ako ng enerhiya para mamaya kapag lumabas na si Kathryn ko, saka ako hihiyaw. 

"So, ano pang hinihintay nyo? Eto na sila! Please welcome." ayshit, napatayo ako! 

MYGOODNESS! AYAN NA... 

"Bianca, Sofia, Shey and Kathrynn!!!" whooooo. 

Lumabas sila kasama 'yung mga magcheerlead. Grabe, Kathryn, maliit man ang iyong height. Malaki naman ang puwang mo dito sa puso ko. 

May hawak silang pompoms at naka'outfit pang cheering din. 

Grabe talaga, wala akong masabi. Tahimik lang akong nanunuod sakanila, hindi pala sakanila, kundi sakanya. 

Si Enrique naman, boring na boring na nakaupo lang. 

Pagkatapos nilang sumayaw, ay kakanta pa pala si Kathryn. Shet! Ang golden voice ng Kathryn ko, maririnig ko na live. 

Tumahimik yung mga tao, tumahimik sila, at ako. "I LOVE YOU KATHRYN!" sigaw ko, sabay sabay na nagsitinginan yung mga tao saken. 

Ngumiti lang ako sakanila. Pare-pareho lang tayong fan dito mga brad! 

"But here's my number, so call me maybe..." angelic voice, grabe! 

Pagkatapos nyang kumanta, aba't......... Shit! Ang sakit sa puso, atay at balun-balunan. 

Pinuntahan sya ni Jerome at sinundo, shit. 

HOLDING HANDS PA. 

Mas gwapo pa ako dyan eh. "Tara na brad!" aya sakin ni Enrique. 

"Mabuti pa nga, tara na. Bago madurog puso ko ng tuluyan." sabi ko, habang nakakapit sa puso ko.

"Ang corny mo, nakita mo naman na sya. O tara na! Nahawakan ka pa sa braso." siguro nga, masaya na ako dun. 

Tumayo na kame ni Quen at nagsimulang maglakad palabas ng Ynares, di na ako manunuod ng game baka masapak ko lang maglalaro dyan. Mga bano naman eh.


"Kuya, pff. Nagkakaganyan ka talaga dahil lang sa artista? Seryoso ka dyan?" kung maka'asar tong kapatid ko ah.

"Aria, manahimik ka. Upakan kita eh.." ganyan ako magmahal sa kapatid na babae, lalo na kapag ganitong pagod ako. "Akala ko ba may lakad kayo ni Kats?" 

"Eh hinahantay ko nga eh, oh ayan na pala eh." Si Aria kase ang girlfriend ng tropa-slash- kabanda kong si Kats, wala naman akong tutol dun mabaet naman tong mokong na to eh.

"Oh bregs!" salubong nya saken, "kamusta?" 

Tinanguan ko lang sya, wala. Wala lang kasi ako sa mood makipag-usap ngayon. 

"Sige na lumayas na kayo. Bago ko kayo masipa." nilipat lipat ko yung channel sa tv. Pero sa channel 2 pa din talaga ang bagsak ko. 

TV Patrol weekend na pala. 

'Cast ng Princess And I balik Bhutan' O.O

Ba—babalik sila sa Bhutan? Ouch. 

Paano yan? Hindi ko na makikita si Kathryn? Hindi ako makakapunta ng taping nila ngayon? Paano na ang buhay ko ngayon? 

"Alam ko nasa isip mo kuya, hahaha. Wag ka mag-alala, susulatan ka daw nya. Hahaha" sinamaan ko ng tingin si Aria. 

"Wag ka maka'uwi-uwi dito sa bahay ah! Layas na!" at ayun, inabduct na nga ni Kats ang kapatid ko. 



Nakakagutom pala mag-isa dito sa bahay, walang magawa! 

Open the ref! Ayun may pagkaen. 

Pero bago ako kumaen, umakyat ako sa kwarto at nagbihis. Ohh, may nalaglag na papel galing sa bulsa ko. 

Pinulot ko, ano naman kaya 'to? 

0906.......

Eh? Kaninong number 'to? Maitext kaya? 

"Hi."

Antay ako ng antay, kinse minutos na nakalipas wala pa din. Siguro, nantitrip lang yun, pekeng number siguro yun. O baka si Aria na naman may pakana nito, yung kapatid kong yun talaga. 

"Yes? Sino to?" 

Oh ayan may nagreply...

"Daniel ... Daniel Padilla tunay na prince charming ni Kathryn Bernardo.." 

"Talaga? Haha! Teka, alam ba nyang ikaw ang tunay nyang prince charming?" 

"Ayun lang, hindi eh. Aalis nga sya papuntang Bhutan eh, mamimiss ko sya. Di na ako makakapunta ng taping nila." 

"Babalik pa naman sya eh.." 

Nireplyan ko ng 'sana nga' yung katext ko, kaso hindi na sya nagreply. 

*diiingdongg* 

Ang aga dumating nila Aria ah? Magkaaway na naman ata yung dalawang yun. 

"Ang aga—baket?" hindi pala si Aria, manong kartero pala. 

May inabot sya sakeng naka'envelope na sulat, tapos pinapirma ako ng mga kinakailangang dokumento. 

Pumasok ako sa loob saka binuksan. 

'Trip to Bhutan' 


O_O

Teka? Seryoso ba 'to? S-san galing 'to? 


HINDI NA MAHALAGA YUN! KASI.... 

Ako si Daniel Padilla, at ngayon, makakasama ako sa Bhutan, hintayin mo ko dyan Kathryn my loves!! 

——

I'm Her FanBoy (EDITING)Where stories live. Discover now