IHF. Chapter9

20.9K 495 38
                                    

**

9.

Pagkatapos kong sabihin kay Hannah yun, hindi na sya nagparamdam pa sakin. Hindi ko alam kung basted ako o hindi eh,hindi naman kasi sya umimik eh. Basta na lang tumakbo.

Pero siguro nga basted ako, bigla nya akong tinalikuran eh.

Eto ako ngayon, papasok na sa school. Mamaya na pala yung performance namin, hindi ko alam kung nasan si Hannah eh. Tinetext ko hindi naman nagrereply.

Nakasama yata yung pagtatapat ko sakanya at kagustuhang manligaw ah.

Pagdating ko ng room, wala sya...Napayuko tuloy ako ng ulo hayyy. Kasalanan mo to Daniel eh.

"Buti nga wala na yung nerd na yun dito eh."

"Sinabi mo pa."

"At least ngayon wala ng lalandi kay Daniel."

"Tama, buti naman at natauhan na sya."

Dumiretso ako sa pwesto ng mga nagchichismisan, "Yung narinig ko. Anong tungkol kay Hannah?"

"Kasi..."

"ANO?!!"

"Nagdrop na sya, lilipat na daw sya ng school."

O___O

N-nagdrop sya? Ganun ba kalaki yung nagawa kong kasalanan? Okay lang naman kung ayaw nya eh.

Pero yung tuluyan syang lumayo sakin, bakit naman ganun? Bakit parang ang sakit naman ata ng ginawa nya..

Basted na nga ako, iniwan pa ako. Anak naman ng tutcha oh!

"P*T*N*I*N*!!" binalibag ko yung upuan sa tabi ko, naiinis ako sa sarili ko.

Ano Daniel? Padalos dalos ka kasi eh!

"Pre, ano bang nangyayari?" Quen.

"Tsk. Pakisabi sa teacher wala na akong partner mag'perform kaya okay lang kahit ibagsak nya ako. Uwi na ako." kinuha ko yung bag ko saka umalis ng room.

Naglakad ako pabalik ng bahay,nakakainis ka talaga Daniel. Ang sarap mong paliparin papuntang Bhuttan. Ano ka ba naman!

Di ka kasi nagiisip eh, ligaw agad ang iniisip eh. Sana sinabi mo na lang na gusto mo sya, dapat yun na lang muna.

Feeling mo kasi lahat ng babae mapapasagot mo eh. Arrggghh! Kainis!

"May problema ka ba?"

"Oo."

"Halata nga eh.." tss.

"Eh ano naman sa---"

O______O

LAGLAG PANGA. LAGLAG EYEBAGS.

"K-Kathryn Bernardo?" di ba ako nananaginip? Totoo bang si Kathryn Bernardo tong kaharap ko ngayon?

Seryoso? Sya talaga to?

"Hi, you're Daniel right?" tumango na lang ako. Grabe!

ANG GANDA NYA TALAGA SA PERSONAL. LALO NA KAPAG MALAPITAN. EH YUNG KAUSAP KO PA.

"May nakapagsabi kasi sakin na may problema ka daw, at sinabi sakin na idol mo daw ako."

"Ha..Oo, idol kita at mahal pa..kaso noon yun, kasi may mahal na ako..si Hannah."

"Talaga? Paano kung di na bumalik si Hannah?"

"Edi tatanggapin ko na lang. Na ayaw nya sakin.."kahit masakit..hayyy.

"Bukod kasi sayo..pinapasaya nya rin ako..Teka, paano mo sya nakilala?"

"Lagi kasi syang nasa taping namin. And kilala ko ang dad nya." ah oo nga pala..

"Daniel, pwede bang humingi ng pabor?" wow, si Kathryn? Humihingi ng pabor saken? TOTOO BA 'TO?

"Sige.."

"Pwede bang, wag kang tumigil sa pagsuporta saken? Kasi isa ka sa mga lakas ko kaya ako nagpapatuloy sa career ko. Salamat ah? Dun sa kantang ginawa mo saka sa collage." ginawa nga ni Hannah, binigay na nga nya kay Kath. Mapagkakatiwalaan nga talaga sya.

"Ha. Oo naman.."

"Then, pupunta ka sa game 3? January 20." sa January na pala yung game3.

"Oo naman, sige.."

"I'll see you there, bye..and Daniel,please smile always. " ngumiti sya sakin at tuluyan na ngang umalis.

O_____O

Teka lang..ngayon ko lang napagtanto...ANG HABA NG PAG-UUSAP NAMIN NI KATHRYN...WHOOOAA!

Pagkaalis nya bigla akong nagtatatalon sa tuwa, tae!

Kinikilig ako, kinausap ako ni Kath. At sya talaga yung unang kumausap sakin.

Ano ba yan, parang kanina lang badtrip ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko kay Hannah, tapos ngayon ganito ako? Gag* ka talaga Daniel.

-

Kath's POV

Sana naging tama yung desisyon kong umalis na sa school, wag na magpakita kay Daniel bilang Hannah.

Kasi...ayokong lumalim pa ang nararamdaman nya para kay Hannah. Baka kasi kapag nalaman nya yung totoo masaktan lang sya.

Napagdesisyunan kong kausapin sya bilang ako na mismo, bilang kathryn, kasi alam ko kahit papano mawawala lungkot at badtrip nya kapag ginawa ko yun. At hindi nga ako nagkamali.

Sa game 3 Daniel, sa game 3...

Alam kong malalaman mo rin ang lahat...Alam ko dadating din tayo sa puntong yun, pero sana wag ka magalit. Sana tanggapin mo pa din ako kahit hindi na ako si Hannah.

---

Minsan lang, please? comments then update.. wala na po akong pake sa votes just comment. I would love to read your comments,nega or positive. :)

I'm Her FanBoy (EDITING)Where stories live. Discover now