.....

11.2K 152 35
                                    

Last October 2, I finished writing this fiction na hindi ako confident na may positive feedbacks or matutuwa sa magiging ending. 'Cause seriously kahit ako super disappointed sa naisulat ko. 

Up until now, hindi pa rin ako makapaniwalang umabot ng 100+ reads ang story na 'to. Haha natutuwa kaya ako kapag umaangat yung reads, aba sinong hindi, diba? Kapag may mga comments na mahahaba, yung ngiti ko abot langit lage. Haha! At minsan napapatanong na lang ako sa sarili ko.

"Bakit kaya nila napagtyatyagaan basahin 'tong story na to?" kasi kahit ako sa sarili ko hindi ko na alam pinagtatype ko minsan eh. Basta type lang ako ng type kung anong unang pumasok sa utak ko. Lalo na kapag nasa byahe ako, papunta ng school o pauwi ng bahay, mahilig ako magmuni-muni at doon ako nakakabuo ng scenario sa utak ko. At hanggang sa makaharap na ako sa computer inaalala ko pa din, minsan para hindi ko makalimutan tinatype ko sa cellphone ko at sinesave ko sa drafts yung mga importanteng bagay na gusto kong mangyari sa chapter na yun. 

Sa totoo lang hindi mahirap gumawa ng isang konsepto ng story, ang mahirap ay kung paano mo itatawid ang isang chapter na magiging kaka-iba o yung tatatak sa mga nagbabasa. Hindi mahirap kumuha ng character sa isang story, ang mahirap kung paano mo imemaintain ang ugaling ibinigay mo sa character na yun. 

Aminado akong sa story na to, hindi ganun nagampanan ng mga character ko ang dapat na magawa nila. 

Nung maisulat at mapublish ko ang prologue nito hindi ko alam kung papatok ba. Nung may isang nagcomment na maganda, syempre natuwa na ako kasi may isang tao ng naka'appreciate dun pa lang achievement na. 

At lalo akong natuwa nang makita kong magcomment ang isa sa sikat na writer ng kn stories. Si Innocent Pen. Jusko wala na talagang mapaglagyan ngiti ko nun, haha. 

Gusto kong i-share ang mga kwento sa likod ng story na to. (ano daw? kwento sa likod ng story? medyo magulo! Haha) 

------------

First 2 chapters of this story ay totoong nangyari saken, (well except sa pagbunggo ni dj kay kath sa labas ng dressing room). 

After 6 months bago ko ulit naiupdate to dahil sa una kong tinapos ang book2 ng una kong nagawang story. 

At minsan kapag nag-uupdate ko sa phone lang, kaya yung pagkatapos ng chapter 2 mapapansin nyo maiikli na ang update. Hindi kasi ako sanay magtype gamit ang phone at hindi ko dama. 

Originally dapat papasok si Daezen sa story na to, at ang role nya ay pinsan ni Kath na galing ibang bansa. Ipapakilala ni Kath si Daezen kay Kats, lagi silang magkakasama at magkakaroon ng lamat relasyon ni Kats at Aria, dahil dun magagawa ni Aria ang maglaslas masusugod sya sa ospital tapos si Daniel magagalit kay Kath at Kats, mga ganun. Kaso ako mismo naguluhan kaya hindi ko na itinuloy. Haha

Makiki'love triangle din sana si Quen dito, kaso naisip ko sawang sawa na ako sa pag-eepal ni Quen sa mga stories bilang kontrabida. Haha. gawin ko na lang syang kaibigan ng bida. 

Nung gawin ko yung scene na may pag-amin, yung game3 na.. tatlong oras ko po yung tinype. Haha sa totoo lang, at sa sobrang dami kong gustong mangyari yung iba hindi ko na matandaan at nagkagulo gulo na. Dapat pagkatapos umamin ni Kath dun, maaaksidente si Daniel hindi ko lang naitype kasi nakalimutan ko att hindi ko na nasingit. HAHA

Dapat magiging artista din si Daniel dito at magkakaroon sila ng project ni Julia na magiging ka-loveteam nya, dahilan para magkaron ng lamat yung samahan nila ni Kath. 

At yung dapat na marerape si Kath, dapat si Daniel talaga ang magtatanggol sakanya dun kaso pag ginawa ko yun wala na masyadong thrill. LOL! Wala na ngang thrill tong story eh. 

Hindi talaga dapat mamamatay si Aria, at magigising sya after malaman ni Daniel na magkapatid sila ni Kath. Kaso wala eh, gusto ko syang patayin hahahaha. Langya walang kwenta tong mga pinagsasabi ko. XD 

Pero sa lahat ng chapter sa story na to, yung pagkamatay ni Aria ang iniyakan ko. Sa totoo lang, habang itinatype ko yun nakikinig ako sa kantang kiss the rain. Actually kapag may malungkot akong chapter na gagawin, yun lagi ang background song ko tapos mag-iimagine muna ako bago magtype, like tutunganga muna sa harap ng monitor o kaya tutungo saglit tapos kapag may nabuong kahit konting liit na scenario sa utak ko isusulat ko na kaagad kasi pag ganun tumutuloy tuloy na. 

AT YUNG EPILOGUE. HAHAHA WAG NYO NA ITANONG KUNG BAT GANUN GUYS. XD Pero sa totoo lang ganun na talaga naisip kong ending, yung kinukwento ni Daniel sa mga anak nya yung kwento nila ni Kath.. Yun na talaga ang ending, hindi ko lang alam kung bakit hindi ko na'achieve ng maganda. Haha. At yung paglabas ng isang member ng EXO dyan at ni IU, trip ko lang yun. haha

Fan kasi ako ng EXO, at di ko mapigilang ilagay ang sinoman sakanila sa ending kaya naging ganun. hahaha 

--

okay tantanan na tong kalokohang 'to,  napansin nyo ba? Lahat trip lang, yung dahilan kung bakit hindi ko tinuloy yung mga dapat na mangyayari ay kundi nakalimutan ay ayaw ko. Kasi nga isang malaking trip lang tong story na to, di sineryoso. Kaya kung ako po sainyo seryosohin nyo po mga story nyo, wag po kayong gumaya saken. HAHA

Wala naman namiss ko kasing magsulat at magpost sa wattpad kaya ako nagsulat ng ganito ngayon. Di nyo ba ko miss, kasi miss ko kayo eh. hahaha XD

Pero eto seryosong tanong, bakit nyo napagtyagaang basahin tong story na to.. Kadiri kaya, hahaha! 

Okay bye na nga. Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng nagvote at nagcocomment at sa mga nagbabasa pa din ng story na to. Sa mga nakakaiyak nyong comments, thank you nababasa ko po yun lahat. 

At sa mga nagsasabing may ginaya daw ako, hahahaha ginaya ko daw pangalan ng character dun sa isang story na binabasa nya. Nakakaloka, pano ko gagayahin e totoong pangalan nga nila kath at dj ang ginamit ko anuba. XD 

yun lang lavyu all haha

**

monsterlyn

I'm Her FanBoy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon