IHF. Chapter32

19.2K 280 15
                                    

Daniel's POV

Pagkatapos nang pangyayari kanina, dinala ko si Kath dito sa Venice Piazza, maganda kasi ang place na 'to at parang nasa Venice ka talaga. May mga kalapati pa na nagliliparan kung saan saan, at may mga nag-eentertain. Idagdag mo pa ang malaking fountain kung saan kami nakapwesto ngayon ni Kath.

Kanina ko pa sya gustong kausapin, pero mas pinipili kong wag na lang muna dahil mukhang mas gusto nya ng katahimikan muna. Naiintindihan ko namang ganyan sya, basta andito lang ako sa tabi nya at naiintindihan ko din ang sarili ko kung bakit paminsan nagmumukha na talaga akong bakla sa mga sinasabi ko. -_-

"Daniel, bakit ganun?"

"Ha?" tinignan ko sya, at mukhang iiyak na naman sya.

"Bakit kahit anong pilit ko sa sarili ko na hindi totoo yung sinabi ni Julia, wala pa din? Bakit kahit anong gawin ko para maging proud si mama sakin wala pa din? Bakit hindi ako mahal ng mama ko?" eto na nga ba sinasabi ko, umiiyak na talaga sya. Inakbayan ko sya at ni-lean ang ulo nya sa balikat ko.

"Ssshh, hindi. Mahal ka ng mama mo, okay?"

"Pero bak---Ouch" di ko pinatuloy ang sinasabi nya dahil bigla kong pinisil ang ilong nya.

"Tigilan mo na pag-iyak, panget mo." biro ko, pero alam nyo naman yung totoo e. Na kahit pa yata maglupasay sya, maganda pa din sya. Hindi dahil isa syang artista, kundi dahil sya si Kathryn. NAKS, IBA KA TALAGA DANIEL. -_-

"Panget pala ah!"

*Splassh*

Aypu, tinulak nya ako bigla kaya nabasa ako. Tumayo din ako at pumunta sa may fountain mismo at hinabol sya saka binasa din.

"Kala mo ah." I hugged her from behind, pareho kaming di naka-imik.

"Ah Dindin, bawal yan." sabi nya.

"Anong bawal? Walang bawal sa taong nagmamahal." pagkasabi ko nun tinulak nya ako at inirapan pa.

"Tse, dami mong alam." talikuran daw ba ako, tamo to.

"Madami daw alam, kinikilig ka la--Kath!"

"Aww." tumakbo agad ako palapit sakanya at binuhat sya palabas ng fountain.

"Anong nangyari? Saan masakit? Punta tayong doctor!" malay ko ba kung kasalanan ko na pala yung pagkatapilok nya.

"DinDin..wag OA, okay lang ako."

"Sure ka?" ngumiti sya sakin para sabihing okay lang talaga sya.

"Sigurado ka ha? Baka biglang.."

"Ouch!" sabi ko na nga ba e -_- tsk! Napakakulit talaga nitong babaeng 'to, napakamot na lang ako ng ulo sabay pumunta sa harap nya at umupo.

"Anong ginagawa mo?" hindi ba obvious kung anong ginagawa ko? haayy nako Riri.

"Sumakay ka na lang, I'll give you a piggybackride."

"Piggy backride?"

"Oo ayaw mo?" pansin ko lang pagkasabi ko nun bigla syang yumuko at parang namumula pa ata. May masama ba sa piggy backride?

"Kasi..."

"Kasi?" hinawakan ko ang chin nya at inangat yun "diba sabi ko wag na wag kang tutungo?" she smiled, ayun!

"Sige na tara na..talikod ka na ulit sasakay na ako." bago ko pala makalimutan, kinapa ko yung bulsa ko at buti na lang andito to. Akala ko nakalimutan kong dalhin at naiwan ko sa motor, yung motor kasi nasa school pa mamaya ko na lang babalikan paghatid ko kay Kath,mas mahalaga kasing may kasama sya kesa ang motor ko.

I'm Her FanBoy (EDITING)Where stories live. Discover now