IHF. Chapter22

22K 358 25
                                    

sabaw 'to pramis.. yung school kasi ni Kath pinagpapantasyahan ko. Walanghiya ang ganda eh! ahahaha :( oh eto na.

--

Daniel's POV

Friday na pala ngayon, at buti na lang hanggang 12 lang dahil may mallshow pa pala akong pupuntahan mamaya. I mean, mallshow ni Kath na pupuntahan ko. Kasama ko naman si Aria so okay lang yun, di ko na daw kailangan pang maging maaga para lang magkaroon ng magandang pwesto. Meron na daw nakareserve dun para sa solid na mga fans.

"Oh, pare pupunta ka daw Pampanga mamaya? Wanep! Talagang sinusunod mo ang payo ni Tita ah?" kasalukuyan kaming nasa classroom nila Sed at na-aantay ng last subject.

"Ano namang pinagsasabi mo dyan?" tanong ko sakanya.

"FOLLOW YOUR DREAMS! LANGYA BRAD! FINOLLOW MO NA NGA SA TWITTER PATI SA TOTOONG BUHAY, FINOFOLLOW MO PA DIN. IBA KA!" sabay hampas pa sa likod ko. Tss.

"Teka balita ko yung Hannah eh si Liza pala? Di ko napansin na yung ex mo pala yun ah.." hinimas himas pa ni Les baba nya nang nakatingala habang sinasabi yun.

Naisip ko na naman ang tungkol sa bagay na 'yun, hangga't maaari ayokong pag-usapan yun. Kasi hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko, kung maiinis ba ako, o ano! Ah ewan! Basta wag na muna pag-usapan yan, saka hindi nya rin kasi nilinaw sakin ang tungkol sa bagay na yun. Pati nga si Kath nadamay pa nya, di ko sya maintindihan.

"Pero brad, eh diba nagkagusto ka kay Hannah? Liligawan mo pa nga dapat, bakit di mo na lang ligawan ulit si Liza? Para happy happy na tayo! May Aria ako, may Mariko si Les, si Jc may mga chicks pareho sila ni Quen, ikaw may Liza tapos si Sed left out. Oh diba? ANG SAYA!" at ang loko nakatanggap ng malakas na batok mula kay Sed.

"De, pwera biro pre. Ba't di mo na lang ligawan ulit?" bakit nga ba hindi ko na lang sya ligawan ulit? Iba kasi eh...iba...may iba..

"Pre, alam mo kase..nung bumalik sya, nung bigla syang nagpakita. Parang may nagbago sa nararamdaman ko, alam mo yun?"

"ANG GAY NG TOPIC NYO MGA TSOL!" at pinagbabato pa kami ni Sed nang nakaka'crumpled na papel.

Kahit kelan talaga 'tong taong 'to. Maya-maya pa, naudlot ang pagkukulitan namin dahil dumating na yung teacher namen.

**

Lakad takbo..yan lang naman ginagawa ko papuntang parking lot, nagtext na kasi si Aria at pag hindi ko daw binilisan iiwan daw nila ako. Kasama na nya si Kabe sa sasakyan, at yun ang gamit namin yung kotse nya, ewan ko dun kung bakit ang bilis napunta. Nagutom din kasi ako kaya nagpunta ako saglit sa caf para bumili ng pagkaen, at nakalimutan ko ng may lakad pa pala ako.

I'm Her FanBoy (EDITING)Where stories live. Discover now