IHF. Chapter21

20.8K 324 14
                                    

Hindi pa din ako makagalaw, hinihintay ang susunod nyang sasabihin. Pero hindi din sya nagsasalita, siguro hinihintay din nyang magsalita ako.

Imposible, hindi ako pwedeng magkamali, boses yun ni...

"Kath?"

(Ha? Sorry wrong number ka, walang Kath dito eh.) pero hindi, boses nya yun.

"Tek--- *toot *"

Imahinasyon mo lang ba yun Daniel? Dala lang ba yun ng problema mo? O dala ng andito ka kasi sa K collection room mo. Puro kasi Kath bawat anggulo kaya siguro napagkamalan kong kahit yung nagsalita, sya.

-

Kath's POV

Mabuti na lang at nagawan ko kaagad ng paraan, bakit ba hindi pa ako nagpapalit ng number? At bakit ba naka-save pa din ang number ko sa phone ni DinDin. Muntik na yun ah!

Andito ako sa taping ngayon, *sigh* gustuhin ko mang mag-enroll ulit sa school ni Daniel, wag na lang. Kung andun lang din yung pekeng Hannah, sila na nga diba? At mukhang tanggap naman ni Daniel yun. Isa pa, may gusto sya sa Hannah diba? Kaya kahit siguro pekeng Hannah yung katapat nya nagustuhan pa din nya.

Sinabihan nga nyang Ich mag sie eh. hayy, Ich mag sie is a german word which means I like you.

Yes, I like him. Ang lakas ng loob kong sabihan syang I like you kahit na alam kong bawal.

Nakakamiss si DinDin, yung pangungulit nya sakin, at yung pagkukwento nya sakin sa pagiging adik nya kay Kathryn.. Hindi nya alam habang kinukwento nya yun, ay mismong si Kathryn na pala ang kinukwentuhan nya.

..gagawin ko ang lahat, para makapiling ka. 

Basta kasama kita, di mapigilan ang saya.

Napapangiti na lang ako habang pinapakinggan yung kantang ginawa nya sakin noon, nakakatawa dahil nung ginawa nya 'to hindi nya naisip kung paano nya maibibigay. O kung maibibigay ba nya to.

Aaahh memories...

"Prang, take na. Dali nang makauwi na tayo agad." eksena naman nitong si Jerome oh.

I'm Her FanBoy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon