IHF. Chapter27

19.9K 341 25
                                    

Daniel's POV

"Wala pong kame, pero masasabi ko pong sobrang espesyal ng taong yan sakin." 

"Hindi ba sya nanliligaw man lang sayo?" 

"Uyy, kuyaaa!!" tss. Itatanong nyo ba kung anong pinapanuod ko? Wag na! Mukha namang gets nyo ng interview ni Kath yung pinapanuod ko. Hoy, hindi ko rin ginusto panuorin yan noh! Ang sakit sakit pa nga ng ulo ko gawa ng alak na nainom ko kagabi. Badtrip talaga 'tong mga kaibigan ko, pabayaan daw ba ako kagabi. 

Kung sabagay, ako naman ang nag-aya sakanila. Bakit ba ako naninisi ng iba? -_-

Oo, bati na din kami ni Aria. Kani-kanina lang din, siniga pa nga ako na akala mo sya yung mas matanda. At ang dahilan kung bakit ako nanunuod ngayon ng interview nya ay dahil walang ibang channel kundi channel 2 lang, sinadya ata talaga ni Aria. Dahil alam nya kapag nakita ko si Kath sa tv ililipat ko kaagad, siguro tama na din to nang marinig ko naman ang paliwanag nya. Mas nakakalala ng problema at iniisip kapag hindi mo pinapakinggan paliwnag ng isang tao. 

"Pwede mo bang sabihin samin kung paano mo nakilala ang gwapong lalakeng yan?" aba't magkakasundo kami ng reporter na 'to. GWAPO daw eh.

Tumango naman si Kath bilang sagot, saka ngumiti. Yung mga ngiti nyang namiss ko, di ko tuloy napigilan na mapangiti din. 

"Actually, akala nya aksidente lang nyang nakilala ang isang Hannah Bishi noon sa Bhutan pero dun sya nagkamali." 

"ANO? PATI YON PLANADO?!!" napatayo pa ako sa gulat. Syempre, akala ko pareho naming hindi ineexpect na magkakakilala kami eh.

"Kuya upo nga, bwisit to. Makinig ka muna!" tss, ginawa ko rin naman ang sinabi ni Aria. 

"Wag ka nga munang mag-react hangga't hindi natatapos magsalita si Kath." di na lang ako sumagot sakanya, di ko talaga alam kung sinong mas matanda saming dalawa ngayon eh.

I'm Her FanBoy (EDITING)Where stories live. Discover now