IHF. Chapter23

22.3K 358 20
                                    

Daniel's POV 

Grabe napagod ata ako sa ginawa kong pagtakbo takbo kanina, kayo ba naman ang hilahin ng limang babae nang sabay sabay ewan ko lang kung hindi kayo madala. 

"Pre, di ko pa din makalimutan yung ginawa mo kanina." nagawa pa talaga nyang mang-asar kahit na nagda-drive sya. 

"Manahimik ka nga dyan Kabe, butasin ko gulong ng kotse mo eh." 

"Wag naman, wala pa akong perang pang'palit." 

Ako ang naka'upo ngayon sa shotgun seat, kasi si Aria gusto daw humiga kaya dun sya sa likod. Parang mas pagod pa ata sya kesa sakin ah. 

"Tsk. Nahihilo ako, ayusin mo nga pag'drive Kabe." whoaa, first time ko atang marinig yung kapatid ko na tawaging Kabe si Katsumi ah, ahaha. Mukhang masama talaga timpla nito ngayon. 

"Ang bagal bagal na nga ng takbo ko, nahihilo ka pa. Magpahinga ka na nga lang dyan." aba! may balak pa atang mag-away 'tong dalawang 'to, at talagang sa harap ko pa ah.

"Anong mabagal? Ang bilis bi--ackk." 

O______O

Nagulat kaming dalawa ni Kabe dahil bigla na lang sumuka si Aria. Shit! 

"Huy, Aria..ano bang masakit sayo? Ba't bigla bigla ka na lang sumusuka dyan?" tanong ko sakanya, habang si Kats hinahagod yung likod nya. Malamang, tinigil nya muna sa gilid yung kotse. 

"Wala to kuya, nahihilo na naman kasi ako eh. Umaatake na naman ata anemia ko." napatango na lang ako.

"Nagpupuyat ka na naman siguro no? Kaya nga maaga kita pinapatulog eh, saka wag ka masyadong magpapagod. Ano ka ba naman Aria Padilla! Ako nag-aalala sayo eh." pfftt. Medyo oa ang reaksyon nitong si Kabe ah. 

"Oa pre." 

"Pre..kasi naman pano kung bigla na lang..."

"Woooh woooh wooohh. tama na! Sige na, okay na yan si Aria mamaya. Tara na." buti naman sumunod sakin, at nagpatuloy na ulit sya sa pagdadrive.

I'm Her FanBoy (EDITING)Where stories live. Discover now