IHF. Chapter33

18.4K 257 18
                                    

Daniel's POV

Medyo nakakapagod din pala ang manuod ng photoshoot, lalo na kapag ganitong kaaga. Inaantok antok at pahikab hikab pa nga ako oh.

"Huy Dan, sabi ko naman kasi sayo wag ka na sumama eh." si Ate Jen lang pala tinabihan ako dito sa couch. 

"Okay lang, pero matagal pa ba yan? Gutom na ako eh." kung di nyo naitatanong, napakaaga ho ng call time ni Kath mga 6 am siguro, at 11 am na kaya, malapit ng mag-lunch kaya siguro pumapayat tong babaeng 'to, laging nalilipasan ng gutom dahil sa trabaho nya. Nako, tsk. Di yan pwede saken! 

"Bili ka munang pagkaen gusto mo?" kanina ko pa nga din naiisip yan,kaso andito kasi ang ugok na Dominique. Ano ba kasing ginagawa nyan dito, bakit ba sya palagi ang kasama ni Kath sa mga shoots? Pagkakaalam ko mas patok ang loveteam nilang dalawa ni Jerome! Tae naman kasing lalake yun, inuuna panliligaw eh. 

"Sige, pakibantayan na lang muna yun. Baka magkamaling ilagay ang kamay kung saan saan eh." natawa naman si Ate Jen sa sinabi ko.

"Oo na sige na, ikaw talaga!" 

Tumayo na ako at palabas na ng studio, pero mukhang napansin ata ako ni Kath kaya nung mapatingin ako sakanya she mouthed "Saan ka pupunta?" se, mamimiss talaga nya ako agad eh. Haha! 

"Babalik ako agad" with matching wink pa yun ah! Nung mapatingin si Dominique sakin, nag-smirk lang ako. Huh!

-

Langya naman, mukhang walang masarap ng pagkaen dito. "Ah, miss yun ba magkano?" tinuro ko yung chicken na ewan, basta manok sya.

"300 po isang order." wtf? 300? Diba..sabi ko sainyo hindi masarap dito eh, dun na nga lang ako sa bentelugan.

"Hey Daniel ikaw pala yan." napakunot yung noo ko dahil bukod sa alam ko kung kaninong boses yun, nagtaka din ako kung paano nya nalaman kung nasaan ako.

"Oh,ikaw pala." yun na lang ang sinabi ko at nagpatuloy sa paglakad papunta sa murang kainan. 

"Wait!" tsk, medyo makulit din talaga 'tong babaeng 'to noh?

"Ano na naman ba yun?" i know im being rude to her na kahit wala naman syang ginagawa sakin ang sama ng trato ko sakanya, but you can't blame me, dahil sa ginawa nya kay Kath noon hindi pa din talaga nawawala ang inis ko sa babaeng 'to. 

Lumapit sya sa tenga ko then she whisper "See you later, I guess?" and she left. 

I'm Her FanBoy (EDITING)Where stories live. Discover now