IHF. Chapter19

18.9K 313 34
                                    

short update..

-

Daniel's POV

*Sigh!*

Sabi nya dito sya mag-aaral sa school na pinapasukan ko? Pero bakit ganun? Pasukan na ngayon pero di naman sya pumapasok, pati nga ang pagtatanong sa office kung nagenroll ba sya dito nagawa ko na. Pero di daw eh..

Oo nga pala, kalat din sa school na girlfriend ko si Hannah. *sigh* Di naman sa ayaw ko,eh basta! Ang hirap lang kasi icommit yung sarili mo sa taong hindi mo na gusto. Diba? diba?

Gusto ko sabihin sakanya na itigil na nya ang kaso ayoko syang saktan.

"Ano ba! Get away from me! Kainis 'to, if I know gusto mo lang ako maging kaibigan kasi boyfriend ko ang crush nyo!" tinignan ko yung nagsalita, si Hannah.

Sa totoo lang, nagtataka ako kung bakit biglang naging ganyan si Hannah. Ang layo nya sa Hannah na nakilala at nakasama ko.

Simula nung kumalat nga na kame,naging ganyan na nga sya. Lahat ng gustong makipagkaibigan sakanya, tinatarayan nya. Yun kasi ang tingin nya eh, kinakaibigan lang sya dahil boyfriend nya ako.

Hanggang ngayon naiisip ko pa din yung sinabi ng kapatid ko saken, di kaya nagpapanggap lang talaga 'tong Hannah na nakakasama ko ngayon? Di kaya, hindi talaga sya si Hannah?

Isa lang naman ang sagot dyan eh, ang kausapin sya..

Tumayo ako at lumapit sakanya at sa kanina pa nyang inaaway na babae.

"Magusap tayo." hindi ko na sya inantay pang magsalita dahil hinigit ko na sya kaagad at hinila papuntang garden ng school.

Ang daming tumitingin samin,kahit sila Sed napansin ko.

"A..aray Daniel, nasasaktan na ako.. ano ba!!" tumigil ako at tinanggal ang pagkakahawak sakanya.

Hingang malalim.

"Ikaw ba talaga si Hannah?!"

"Daniel,what are you talking about? Of course its me, Hannah"

"Bakit ang dami mong hindi maalala? Like...yung Dindin na tawag mo saken, yung sabi mo kaibigan ng dad mo ang manager ni Kath..bakit ang dami mong nakalimutan?"

"Yun lang ba? Daniel yun lang,kaya mo ko nagawang pagbintangan? Grabe, kung sasabihin ko ba kung bakit ko nakalimutan,maniniwala ka ba?" nagulat na lang ako nang bigla syang umiyak..

Wrong move Dj, bakit ba hindi na lang ako magtiwala.

Lumapit ako sakanya..saka sya niyakap,bakit ganun? Wala na talaga, noon kahit magkadikit lang balat namin grabe ang atake sakin bakit ngayon? wala na ba talaga Daniel?

Pero kahit wala na...nasaktan ko sya, inakusahan ko sya, di ko man sinasadya pero napaiyak ko sya..

"Im sorry, Hannah."

"Wow, artista ka nga talaga. Hah! Last mo na yan girl, in time malalaman din ng lahat specially my brother.. Pasalamat ka medyo tanga kuya ko ngayon.." pareho kaming nagulat ni Hannah sa biglang sulpot ni Aria..

"Aria! Nakakasakit ka na ng damdamin ng iba"

"Really kuya? Really? Tignan na lang natin kung sino ang mas makakasakit.."

"ARIA!" this is the first time na sigawan ko ang kapatid ko,kaya medyo nagulat sya..

"Ewan ko sayo.."

***

"Pasensya na sa kapatid ko,di ko alam kung anong nangyayari dun eh.." ano nga bang nangyayari dun?

Matanong nga si Kabe..Baka mamaya hinahawaan na ng ugali nya yung kapatid ko.

"Wala yun, ah..Daniel,sasama ka ba sa game 3? Sa 20 na yun diba? Lahat sila sasama,ikaw?"

Game 3, malapit na pala... Inimbitahan ako ni Kath kaya kailangan pumunta ako, minsan lang yun mangyari. Ang imbitahan ng idol nya. Wow.

"Oo." biglang nalungkot yung mukha nya.

"Wala pala akong kasama sa araw na yun. Balak ko sanang umalis nun eh"

"Pasensya na Hannah pero di talaga ako makakasama sayo,miss ko na kasi si Kath eh.." di ko alam kung tama ba 'to..

Pero kasi,pag si Kath na ang pinaguusapan kahit sino pang mag-aya saken,mas pinipili ko sya. Kahit pa girlfriend ko..

"Si Kath na naman....sya na naman.."

"Sorry Hannah, babawi ako promise. Hatid na kita?"

"HA?! ANO...WAG NA..SIGE BYE.." kung may isang hindi nagbago kay Hannah, yun ay ayaw nya pa din magpahatid saken..

***

"Manong pakisundan po yung kotse"

Alam kong mali ito, pero gusto ko na talagang malaman kung bakit ayaw nyang magpahatid saken.. Kung bakit lagi syang parang gulat kapag sinasabi kong ihahatid ko sya..

Buti na lang may pera ako kaya kahit malayo pa yun,ay mababayaran ko tong taxi.

Te...teka..alam ko 'tong lugar na to ah?

....at yung bahay.

Tumigil na yung kotse,pati na din 'tong taxi na sinasakyan ko. Pero medyo malayo kame,tanaw pa din naman kahit papano.

May bumaba na babae sa kotse, yun pa din yung suot nya,yung uniform namin. Pero bakit parang may nagiba?

Lumingon sya sa paligid,at pagkakita ko...ganun na lang ang gulat ko.....

"LIZA?!"

----

Kating kati na ako ireveal sya eh,kaya ayan na.. ;)

I'm Her FanBoy (EDITING)Where stories live. Discover now