IHF. Chapter39

16K 266 53
                                    

Last chapter na to guys =)

Kathryn's POV 

"Gusto mo ihatid na kita, anak?" tumigil ako sa harap ng pinto at kinapitan si mama sa magkabilang balikat nya. 

Hindi ko alam na sa labing pitong taon na hinahangad na maging okay na kami ni mama ay nangyayari na ngayon. 

"Ma, andyan naman si kuya Romeo para ihatid ako. Okay na yun, dito ka na lang sa bahay."  

"Gusto ko lang na okay kang makakarating sa pupuntahan mo." napangiti ako, ibang-iba na talaga si mama. 

"Okay lang talaga ma, sige na po." nakipagbeso na ako sakanya at lalakad na sana paalis kaso nagsalita pa sya ulit. 

"Mahal mo na sya noh?" napakunot noo ako sa tanong nya.

"Huh? Sino po?"

Naglakad si mama palapit saken, at kung kanina ako ang nakakapit sa magkabilang braso nya. Ngayon naman sya ang nakakapitt saken, ngumiti si mama saken at nilagay sa gilid ng tenga ko ang mga buhok na humaharang sa mukha ko.

"Si Daniel." 

Iniwas ko ang tingin ko kay mama, at para bang hindi ko mahanap ang mga salitang sasabihin ko sakanya. 

"Ma, ano po bang sinasabi nyo dyan?" 

"Alam mo, kahit pa hindi tayo naging close noon, kahit pa hindi kita naalagaan ng maayos noon. Anak pa din kita, kaya alam ko kung anong ibig sabihin ng mga ngiti mo kapag nakikita ko kayong magkasama." 

"Ma, alam mo namang bawal eh." rinig na rinig ko ang pagbuntong hininga ni mama. 

"Pero anak—" hindi ko na pinatapos si mama, dahil lumabas na ako ng gate. 

"Sige po ma, kita na lang tayo maya pag-uwi ko. Bye." 

Inalis ko ang mga tuyong dahon na naglaglagan sa lapida nya saka pinalitan ng bagong bulaklak na dala ko. 

"Kumusta ka na, Aria?" 

Oo, andito ako ngayon sa sementeryo kung saan sya nakalibing. Gusto ko sana muna syang daanan bago ako pumunta sa school para sa foundation day, pero hindi ko rin alam kung kakayanin ko bang pumunta dun lalo na ngayon at may kumakalat na video. Hindi ko aakalaing pati yun magagawa pa ni Dom, hindi pa ba sapat lahat ng kababuyang pinagawa nya sa mga lalakeng yun, saaken? 

"Buti ka pa dyan, parang walang problema. Kung kunin mo na lang din kaya ako?" 

I'm Her FanBoy (EDITING)Where stories live. Discover now