IHF. Chapter25

21.6K 349 35
                                    

Aria's POV 

So, eto na yun. Game 3 na. BAKIT AKO KINAKABAHAN SA MGA MANGYAYARI? Aba! Hindi ko rin alam kaya nga tinatanong ko kayo kung bakit eh. 

"Kin, anong oras tayo pupuntang MOA?" nakalabas na ako ng hospital at lahat lahat pero itong si Katsumi hindi pa din ako nilulubayan, akala mo naman mawawala ako. Medyo umayos naman na, ang pakiramdam ko. 

Nasobrahan lang talaga sa pagod at puyat 'to kaya umaatake na naman ang anemia ko, hereditary ba ang anemia? Di naman ata, kasi si papa meron din nun dati eh. 

"Di ko alam, tanong mo si kuya." sagot ko sakanya habang hawak yung remote, actually umaga pa lang naman. At oho, ang aga aga magkasama na kami agad. Si kuya nga ayun at tulog na tulog pa, hindi ko alam kung anong nangyari dun dahil kagabi pa talaga sya good mood.

Kahit nung pag-uwi ni Kath kagabi, nakangiti pa din si kuya. Mapupunit na nga yung mukha nya kakangiti nya, as in. At ang creepy nya ngumiti, alam nyo yun? -__- 

"Pano ko matatanong yung kumag na yun kung ang sarap sarap ng tulog?" haha kung sabagay. 

"Oyy, ang aga aga ako agad ang pinag-uusapan nyo. SMILE naman tayo dyan! Napakaganda ng umaga oh?" ugh, speaking...at nakangiti na naman sya ng nakakatakot. Grabe talaga, sinasabi ko sainyo di nyo gugustuhin na makita syang nakangiti ng sobrang lawak. 

"Oh pre, akala ko mamaya pa gising mo eh." 

"Anong mamaya pa ang gising. Ni hindi pa nga ako nakakatulog. Bukod sa excited, may hang over pa ako sa pangyayari kahapon." lumapit si kuya kay Kats at pinat ang balikat nito. 

"Maraming salamat mahal kong kaibigan. Hahaha" napailing na lang ako.

Nababaliw na ho talaga ang kapatid ko.  Hinayaan ko lang silang dalawa dun sa sala na mag-usap pagtapos ay dumiretso ako sa kusina para kumain saglit ng breakfast at uminom ng vitamins na sinabi ng doctor ko. 

*rinnggg* 

Oh, anong problema nitong si Kath at ang aga aga tumatawag? Akala ko ba may rehearsal pa 'to..

"Kath? Baket?" 

(Aria! Aria!) 

"Oh..baket? Ano? May nangyari ba? Bakit Kath?" 

I'm Her FanBoy (EDITING)Where stories live. Discover now