IHF. Chapter5

25.5K 420 36
                                    

Pag-uwi ko sa bahay, isip ako ng isip. Simula anggulo ni Hannah sa gilid, at harap iniisip ko na kamukha nga talaga nya si Kath. Siguro kapag na-ayusan yun kamukhang kamukha nya na talaga Prinsesa ko, at speaking of Prinsesa ang Princess & I ay may second game. Ang kaso sa kasamaang palad, hindi ako makakapunta. Okay lang, sa third game na siguro. 

Kinuha ko yung gitara ko, nag'strum lang ako.. Tapos maya-maya, pano kaya kung gawan ko ng kanta si Kath? Tapos irecord ko, saka ko iregalo sakanya? Great idea Dj! Napakatalino mo talagang tao pag dating kay Kathryn your loves! Kumuha ako ng papel at ballpen syempre, alangan namang laway ang ipangsulat ko? -____-

Nagsimula akong magsulat, hmmm.. Ayos tama nga, oo yun nga! Bagay! Wahahaha!! 

..Simpleng tao lang ako na nagmamahal sayo,

di ako katulad ng mga manliligaw mo. 

Pasikat sa porma, sa ipad, o sa high-tec na cellphone..

Sulat lang ako ng sulat hanggang sa abutin ako ng madaling araw, dyahe! May pasok pa pala ako, pero okay lang. Maya-maya pa natapos ko na sya! Shit! Isa kang romantikong tao Daniel. Napapangiti na lang ako sa ginawa ko eh, proud na proud ako sa sarili ko! Huh!

...Gagawin ko ang lahat para makapiling ka,

kapag kasama kita di mapigilan ang saya, you know it feels so good. 

Wooooooooopsss! Saka na, baka mainlove kayo sakin eh! No,no,no! Hindi kayo ang dapat ma-inlove sakin, si Kathryn dapat! Niligpit ko na yung papel, pati yung gitara tapos natulog na ako. Konting oras na lang, pero okay lang. Kinuha ko yung picture ni Kath, shet ang ganda talaga. 

"Goodnight Kath! Hintayin mo lang ang tunay mong prince charming. Wahaha!" at maya-maya pa, nakatulog na nga ako. 

"DANYEL!!!!"

"Uggghhh ano ba!!!"

"HOY DANYEL!"

"Pati ba naman sakin umeepal ka? Ashi wag kang epal sa storya namin ni Mikay!!"

"Aba't....hoy Daniel...anong oras na pumasok ka na!!!!!!!!!!" napabangon ako, si mama sumisigaw. 

I'm Her FanBoy (EDITING)Where stories live. Discover now