IHF. Chapter30

20.5K 283 36
                                    

UD ulit. Yey! Haha, anyway dedicated sakanya kasi nabubuang talaga ako pag nagcocomment 'to. Isa sa inaantay kong mag'comment to eh, sa lahat ng naiinis sya ang natutuwa. Ano daw? yung comment mo kasi last chap e. hahaha =) 

-

Kathryn's POV

Hmm. It feels so good na mag'disguise ulit, nakakamiss. Thank God at pumayag sila Jerome at Liza sa plano ko, medyo pinaliwanag ko din naman sakanila na mas okay 'to kesa naman mag'gala kami na kabi-kabila ang nagpapapicture samin. Hindi naman sa nagdadamot ako sa mga fans, pero syempre minsan kailangan din namin na mag'siya na walang fans na nakapaligid. 

"Ang gwapo oh."

"Sayang may girlfriend na ata." 

"Di nya yan girlfriend, tara lapitan natin."

Nakalimutan ko ata na kahit hindi artista 'tong isang kasama namin, malakas pa din ang hatak. Mukha namang hindi narinig ni Daniel yung mga babae kaya tuloy pa din sya sa pagkaen. By the way, andito pala kami sa Tokyo Tokyo kumakain wala lang trip lang naming lahat kumain dito. 

Unti-unting lumalapit yung dalawang babae at eto namang isa walang kamalay malay. 

"Aahh, im still hungry. Order pa tayo!" 

"Hungry? Gutom ka pa nyan, nakarami ka na nga." 

"You shut up huh!"

"Kayong dalawa ang magshut up ang iingay ny---" hindi na natapos ni Daniel ang pagsaway nya kay Jerome at Liza kasi bigla ng sumulpot sa harap namin yung dalawang babae na kanina pa sya pinaguusapan.

"Hi." sabi nung isa, pero hindi sya pinansin ni Daniel. 

"Kuya, hello." sabi naman nung isa, this time napatingin na si Daniel sakanila. 

"Ako ba?" tinuro pa nya sarili nya at nag-nod naman yung dalawang babae. 

"Itatanong lang sana namin kung girlfrie----" lalong dumikit si Daniel sakin saka ako inakbayan.

"Girlfriend? Hmm, wala pa. Di pa kasi nya ako sinasagot e, pero sa tingin ko malapit na." medyo hindi ako nakareact dun ah, napatingin ako sa reaksyon nung dalawang babae at halatang disappointed sila. 

"Now, excuse us guys." naunang tumayo si Liza na sinundan ni Jerome at ni Daniel. Narinig ko pa ang mga sinabi nung dalawa, pati na din ang pagkainis nila sakin. Hahayaan ko na sana sila kaso nainis ako sa huling sinabi nung babae.

"Hay naku, hindi sila bagay. Ampanget kaya nung girl." kaya nilapitan ko silang dalawa saka nagsalita.

"Kailangan ba ang gwapo ay para lang lagi sa maganda? Miss, para sabihin ko sayo lahat ng tao magaganda't gwapo, nasa mata na lang ng tao kung bakit pumapangit 'to. Magpasalamat ka na lang sa Dyos dahil biniyayaan ka ng magandang mukha, pero ako na magsosorry sakanya dahil pangit na ugali ang meron ka." bago pa sya magsalita ulit ay tinalikuran ko na at bumalik kila Daniel na napatitig sa ginawa ko. 

I'm Her FanBoy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon