IHF. Chapter3

25.7K 467 35
                                    

Kathryn's POV


Tinitignan ko pa lang dito mula sa eroplano yung Bhuttan, maganda talaga dito.




"Kath eto yung sched mo mamaya, may pictorial ka with Jerome syempre and with other cast tapos taping para sa teleserye nyo tapos---"



"Thanks Jade. " nginitian ko na lang sya, ayoko munang pagusapan yung tungkol sa trabaho kahit na yun naman talga ang pinunta namin dito. Teenager pa lang ako pero parang hindi ko masyadong naeenjoy ang pagiging teenager ko, pero okay lang

ginusto ko to eh. Wala namang pumilit sakin.



Kinuha ko yung phone ko, at tinitigan ko yung text saken ng isang taong natuwa talaga ako, i don't have any idea kung paano nya nakuha yung number ko, pero hindi ko din naman alam kung bakit ko sya nireplyan kasi in the first place hindi ako nagrereply sa taong hindi agad nagpapakilala.



Pero sya, haha ewan. Natuwa ako sakanya nung sabihin nyang 'Daniel...Daniel Padilla ang tunay na prince charming ni Kathryn Bernardo' . Actually nung mga panahon na yun kasi stressed ako, pero dahil sakanya parang nawala ata, kaya agad agad ko syang pinahanap sa tao ko, at pinadalhan sya ng plane ticket.



Wala lang gusto ko lang syang ma-meet in person, pasalamatan na din kasi may isang taong katulad nya na umiidolo saken. Ayoko ng ipagpabukas pa o isang linggo o next year, baka makalimutan ko at hindi ko na magawa kaya habang hindi pa ako masyadong busy, go.



*bzzzzt bzzztt*


--------------

From: Jerome

See you later Prang :P

-------------



Buang talaga 'to, haha. Prang means Praning. Praning daw ako kasi pinadalhan ko ng ticket ang taong hindi ko naman kilala, malay ko daw ba kung scam yun or what. Ewan feeling ko mabait na tao naman yung Daniel.


Si Jerome? Psh parang bestfriend ko na din yun, kaya natatawa na lang kami kapag may issue tungkol samin na ganito daw, kami na daw. Like. Hahaa. Kilala ko kaya yung gusto ni Jerome, sus. Eh kung magturingan kami nyan akala mo di kami tao.



Napatingin na lang ako sa bintana, pupunta kaya sya?


I wanna meet him.



**


Daniel's POV



"Gosh kuya, you sure na talagang hindi ka nagnakaw for your idol, i mean you know, ganyan ka na ka'desperate? Omygod! " -_______- kanina ko pang gustong batukan tong kapatid ko eh, pero pinipigilan lang ako ni Kats, Oo andito sila.



Mamamaalam daw sila sakin, baket? Mamamatay na ba ako? Grabe tong mga to! -_-



"Anak, hindi kita pinalaki para magnakaw para lang sa sa ganung ----"



"MA!! Sinabing hindi nga ako nagnakaw, at hindi ko alam kung kaninong nang'galing yung ticket na to noh! Siguro tinadhana talaga kami na magkita, NKKLK kayo!!" kumunot naman yung mga noo nila pagkasabi ko nun, baket? May mali ba?



"Anong NKKLK?" Quen.


"Ahh. NAKAKALOKA! HAHA" pinagbabatukan naman nila ako, pero ako natawa. Wala bang nakakatawa dun? Tsh.



"Pre, lumayas ka na lang bago ko mapagdesisyunan na suntukin ka! Ang bading mo! Kakakilabot ka!" susugurin ko na sana si Seth kaso napigilan ako nila Lester.



O nasaan nga pala yung pinsan kong si Jc? Abala na naman ata sa babae yun ah!



"Basta pre ah, pagbalik mo, size 10, tshirt medium. " Seth.


"Ako din pre." Lester.


"Basta brad okay na ako sa chicks." Quen.


"Ako pre---"



Di ko na pinatapos si Kats sa pagsasalita . "Sige bibilhan kita contact lens para hindi ka na magsalamin. Wag ka magalala." sabay hampas sa balikat nya.

Tumalikod na ako sakanila, at papunta na sana sa loob pero bigla akong tinawag ni Seth.



"Pre,pre! Cellphone mo!" uy, andun pa pala yung cellphone ko.


"Salamat. " kinuha ko yun at tuluyan na nga akong umakyat ng langit.



Joke lang. -__-




Habang naglalakad ako papunta sa eroplano ay may nareceive akong text.



-------------

From: xxxxxxx

Hey! Take care. =) I'll see you soon.

------------



O_O


T-teka, I'll see you soon daw, kung ganun? Sya kaya yung nagpadala ng plain ticket ko? Pero paano nya naman nalaman bahay ko? Stalker ko? Tsk! Yan na nga ba sinasabi ko eh. Kaya ang hirap maging gwapo eh!



Di ko nareplyan yung nagtext, kasi pinapapatay na yung mga gadgets natulog lang muna ako.




After few hours.





HELLO BHUTTAN!! Woooh grabe ang ganda dito! Ang lamig ng panahon, hindi katulad sa Pinas napakainit.


Buti na lang at pinahiram sakin ni Aria yung camera nya kaya mamaya magpipicture ako, lilibutin ko muna tong magisa.



"Sir Daniel? You're Sir Daniel?" may biglang lumapit sakin na lalake, at mukhang hindi rin sya taga dito.


"H-ha? oo ako nga. Baket?"


"Sumunod po kayo saken."



H-ha? Anong ginawa ko? Wala akong natatandaang ninakaw ko, wala akong sinaktan, wala akong pinatay? Hala? Ano to. Wala akong perang pampyansa sa sarili ko.

I'm Her FanBoy (EDITING)Where stories live. Discover now