IHF. Chapter18

20.6K 346 10
                                    

Update ulit diba? kasi nga..pagkatapos nito di na ako masyado makakapagupdate,haha. Anyway, tapos ko na sya sa utak ko. Horraayy!

----

Daniel's POV

Pagkatapos nung pangyayari kanina,para akong nahimatay ng ilang segundo! Ugh. Ang bakla mo na talaga Daniel! Kung hindi lang siguro dumating si Jerome,baka na-estatwa na talaga ako.

Kasalukuyan na kaming pabalik sa resort namin na tinutuluyan, sayang at konting panahon lang ang nagugol namin dun.

Siguro sa susunod,kung pagbibigyan ulit gusto kong magpunta ulit dun. Yung walang hassle,siguro sa birthday ko naman. Saktong summer yun, masarap magpunta dito nun. Di katulad ngayon, malamig kasi yung tubig sa dagat kaya hindi ko naenjoy ang maligo.

At sana sa pagbalik ko,kasama ko pa din si Kath.. Dati kasi akala ko isang malaki at all-caps na IMPOSIBLE lang ang lahat. Pero katulad nga ng sinabi ko sakanya,ang fan na katulad ko hindi naniniwala sa imposible.

Napapangiti ako ngayon habang nakatingin sakanya, ang ganda talaga nya. Nakatagilid man, nakayuko, nakapikit,tumatawa miski umiiyak ang ganda nya.

Bakit ganun? Pinanganak ba talaga syang maganda? Walanya e! Lakas makapagpakabog ng puso.

"Uy, Daniel nakikinig ka ba?" napalingon ako sa katabi ko, si Hannah pala. Nakalimutan kong katabi ko nga pala sya dito sa may motor boat, na pabalik sa resort.

"Ha, ano nga ulit yung sinasabi mo?" bigla namang nalungkot yung mukha nya.

"Nothing.." tapos ngumiti sya ng pilit.. May bigla akong naalala na word, yung sinabi ni Kath kanina nung nasa gubat kame. Ano ulit yun?

Ich....Ich mag.... "Ich mag sie" oo tama! Ayun nga.

"An...anong sabi mo?" Hannah.

Nasabi ko ba ng malakas? Okay na din siguro yun, para malaman ko kung anong ibig sabihin..

Imbis na malaman ko yung meaning nun bigla na lang nya ako niyakap. Ba't ganun?

Nakaramdam ako ng kakaiba, hindi na tulad ng dati...Hindi na ganun,wala ng kuryente.. Wala na akong nararamdaman.

Posible kayang wala na talaga akong nararamdaman kay Hannah? At bumalik na ulit kay Kath. Sa wakas, para na din hindi na ako biglang iwan ni Hannah. Baka kasi bigla na lang sya umalis ulet, at mailang.

"Huy! Praning!" napatingin ako kay Jerome, bigla kasing sumigaw. Kaya pati si Hannah nagulat, at napakalas sa yakap.

"What?"

"Nagagalit si Jenner, eto oh." Jenner? Parang narinig ko na yung name na yun. Yun yata yung...ah nevermind!

"WHAT.THE.!!!" napatayo sya pero umupo ulit kasi nga andito pa kami sa bangka. Tapos lumingon sya saken, with her apologetic look, anong meron? "Daniel, sorry kung nadamay ka pa."

"Ha? Baket? Anong meron?" naguguluhan kong tanong, ano kaya yun? Bakit bigla syang nagsosorry sakin, at nadamay pa daw ako?

"May lumabas kasi na article, nakunan nila yung kaninang umaga habang nanunuod tayo ng sunrise. At nakalagay sa article, may tinatago na daw akong boyfriend. Im sorry, baka kulitin ka ng taga media kapag nakita ka nila."

Si Kath? May tinatagong boyfriend? At ako daw? Wow, sana totoo na lang diba.. Pero talaga palang may kumuha ng picture na yun, habang nakaakbay ako sakanya at nakalean ang ulo nya sa balikat ko. Si God talaga ang galing tumupad ng wish, yun nga lang palyado.

Mga taga media ang kumuha ng litrato eh.

"Don't worry, sasabihin naman ni Daniel sa mga media man na may girlfriend na sya at hindi ikaw eh." anong sinasabi nya? Ako may girlfriend na? Sino?

I'm Her FanBoy (EDITING)Where stories live. Discover now