Chapter 50

21.1K 466 49
                                    

(SAMIRA ALMIREZ POV)

Nakakabinge. Nakakatakot. Nakakapanlumo.

Parang naging slow-mo yung pangyayari matapos naming magulat sa malakas na putok ng baril. Ni sa panaginip ko, hindi ko inakala na mangyayari at dadanasin namin ang ganito.

“Eli…” Nanginginig ang mga kamay ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Gusto kong maniwalang hindi totoo ang lahat ng ito.

“Eli…” Mas humigpit ang hawak niya sa braso ko. At hindi ko na napigilang umiyak ulit.

Napuno ang kamay ko ng dugo mula sa tama ng baril sa bandang likod ni Eli. “Hindi... ELI!!!”

“Walang gagalaw!!!” Natigil ang lahat sa banta ni Cyler.

Susubukan pa sana nung ibang taga-SGG na agawin ang baril mula sa kamay ni Cyler pero nagpaputok ulit ito at saka itinutok ang baril sa banda namin. “Sige subukan niyo lumapit. Papuputukan ko ulit sila!”

“Tumigil ka na! Tapos na ang lahat! Talo ka na!”

“Kung ayaw mong mamatay, ikaw ang tumahimik!!!”

“Ano pa bang gusto mo!!! Kulang pa ba ang pananakit mo saamin? Wala ka na bang takot sa Diyos? Bakit kailangang gawin mo ‘to!!!”

Hindi siya sumagot.

Kaya itinuon ko na lang ang buo kong atensyon kay Eli. Pinipilit kong pigilan ang pagdanak ng dugo mula sa tama niya sa likod.

“Cyler, tama na!” At humarang na si Kian.

“Umalis ka jan Kian. Hindi ka kasali dito.”

“Tumigil ka na! Hindi na tama ‘to! Sobra na ‘to! Gusto mo ba talagang pumatay ng tao ha?”

“Tumahimik ka!!!”

“Alam mo bang si Sam pala yung taong nagligtas sa kapatid mo?” Nagulat bigla si Cyler. “Nalaman ko kanina na si Sam yung nagpabugbog sa mga taga-East dati para lang iligtas si Kyle!”

“Imposible!”

“Malaki ang utang na loob mo sa kanya kaya please tumigil ka na Cyler.”

Habang nag-uusap sila, kinausap ko naman si Eli. “Eli, wag mo kong iiwan ha. Malalampasan din natin ‘to. Wag mo kong iiwan. You’ll be okay so stay with me…” Nakatingin lang siya saakin. Lumuluwag ang mahigpit niyang hawak sa braso ko kanina.

“Cyler, tama na.” Dahan-dahang lumapit si Kian patungo sa kaibigan niya. Delikado pero ang tapang ni Kian. “Amin na ang baril, sumuko ka na. Tigilan niyo na ‘to ng grupo mo.”

My Nephew-in-Law [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon