Chapter 23

32.3K 785 156
                                    

(ELEAZER PASCUAL POV)

"Salamat Eli..." Bulong niya saakin habang nakayakap!!!

So kasalanan ito ng reflex ko ha... na niyakap ko din siya pabalik. "Okay na yun... syempre gagawin ko yun dahil mahal kita." ANAK NG!!! Reflex din ng bibig ko yan!!!

"Mahal mo ako?" Napalayo siya saakin.

"BILANG AUNTIE!!!" Napalunok ako. "Syempre Auntie kita... nephew-in-law mo nga ako diba."

Nagkatitigan ulit kami, pero ako na unang sumuko. Hindi ko na siya matignan sa mata, kaya mabuti pang umiwas sa kahihiyan kong ito! "Akyat na ako sa taas ha." 

"ELI!" Bakit na naman ba? Nahihiya na nga ako!!! Lechugas naman oh!

"Bakit?"

"Ang... ang ibig sabihin ba ng sarang ay love?"

Natigilan lang ako. Paanong... "Teka... inalam mo ba yung meaning nung sinabi ni Sunmi?"

"Sabihin mo na lang Eli... love ba yun? Isang word lang naman yung naaalala ko sa sinabi ni Sunmi eh."

"Eh bakit hindi mo muna i-translate yung sinabi din saakin ni Sunmi?"

"Ako naunang nagtanong sayo. Bakit ba ayaw mong sabihin?"

"Ibabalik ko lang sayo yung sinabi mo, bakit ayaw mo ring umamin saakin?"

"Anong aaminin ko?"

"Malay ko!!!" Kunyari pa! "Na mahal mo ako? Umamin ka na nga Sam!" Umamin na kasi para hindi na kami mahirapan pa! Tumatagal pa eh!

"H... hindi noh!"

"Hindi mo ako mahal? Wooosshh!! Sinungaling! Matagal ko nang halata, kunyari ka pa!"

"Bakit kailangan sayo manggaling yan! Gaano ka ba kasigurado ha?"

"KASI ANG TAGAL NA SAM!!! Sabihin mo na lang para matapos na!!!" Ang kulit ng babaeng 'to!

Tapos naupo siya sa sofa. Ano na naman kayang iniisip ng babaeng 'to? May kinuha siyang notepad at dalawang ballpen mula sa bag niya. Inabutan niya ako ng papel at nung isang ballpen. "Isulat mo jan yung meaning nung sinabi saakin ni Sunmi. Tapos isusulat ko din yung translation nung sinabi niya rin sayo. Tapos trade tayo."

"Ano ako ulul?" Tumalikod ako, at umakyat na sa taas. Hindi ako makikipagka-sundo ng ganun ka-simple! At isa pa, saka ko lang sasabihin kapag  umamin na siya! Ayoko ngang mapahiya, wala sa vocabulary ko yun!

My Nephew-in-Law [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon