Chapter 26

30.8K 632 20
                                    

(SAMIRA ALMIREZ POV)

"Bakit hindi ka pa nag-aayos?" Maaga kasi kaming nag-breakfast! At dinalian ko na talaga ang paglilinis para makapag-ayos na ako agad sa first date namin ni Eli! Ayieeehhhh!!! I can't wait!!!

"Maaga pa naman ha."

 

"Mabuti nga mas maaga tayong aalis! Sige na Eli!!!"

 

"Hindi naman halatang patay na patay ka saakin noh. Sabik masyado sa date! Kaka-nine pa lang oh!" Nanonood lang kasi si Eli ng TV. "Mamaya na pagkatapos nitong palabas." Pagkatapos nung palabas? Eh kasisimula pa lang nung pinapanood niya ah!

"Sabi mo magiging sweet ka pag naging tayo! Hmfp!" Ayoko na nga! Ako lang yung mukhang masaya eh! Mahal ba ako ni Eli oh ano? Sabi-sabi siyang magde-date kami! Oh ano na!!! "Ayoko na!"

 

"Alam mo ikaw, excited ka masyado eh. Magbibihis na ako!!!" Tumayo siya at nagpunta na sa kwarto niya! Hahahahahaha!!! I won!!! Yipee!!!

So habang hinihintay siya, naglipat muna ako ng channel na pinapanood. At nakita ko yung replay ng concert ng favorite kong idol star, si Riley Dayne!!! Hwaw naman!!!!!!!!!!!!!!!!!

(ELEAZER PASCUAL POV)

Anak ng!!! Excited naman masyado si Sam! "Ang hirap talaga pag gwapo eh." Hwahahaha!!! Actually, excited na din talaga ako, kaso wala pa akong plano!

Nag-iisip pa nga lang ako kanina kung anong pwedeng ipang-surprise kay Sam! Paano kung mag-fail yung first date namin! Ayoko namang maging kahiya-hiya yung reputasyon ko sa harap niya! "Hay Sam!!!" Pag siya iniisip ko, lalo akong naba-blangko eh! "Bahala na nga!!!"

Pagbaba ko, nakatulala naman si Sam sa TV. "Uy, tara na!" At talagang nag-pose ako sa harap niya ng pinaka-gwapo kong anggulo. Tingin ka saakin Sam, gusto kong makita yung kinikilig mong mukha.

"Ay teka lang Eli ha. Mamaya na lang kaya." Chupeste!!! Wa epek ang plano kong pakiligin siya? Pinagmadali niya ako kanina tapos ngayon, siya naman ang magpapahintay! Ano 'to lokohan?

"Tara na!" Hinila ko yung kamay niya para naman ako yung tignan niya at maamaze siya sa angking sex appeal ng boyfriend niya, kaso naka-focus lang siya sa TV. "Sino ba yang pinapanood mo sa TV at mababangasan ko!!!"

 

"Si Riley Dayne yan oh!!! Hindi ko natapos yang concert na yan nung nakaraang pinalabas yan eh. Ngayon na lang yung replay."

 

"Riley???" - (@.@)

 

"Oo si Riley nga!!! Crush na crush ko talaga yan Eli!!! Alam mo bang member ako ng lahat ng fansclub niya!!! Ayiieeehhh!!! Ang gwapo ni Riley!!!" - (♥~.~)

My Nephew-in-Law [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon