Prologue ✔

62.6K 1.4K 83
                                    

Katapusan na ba ulit ng buhay ko?

Parang nangyari na ito noon eh, bakit kailangang iulit ni tadhana?

"Si... Si Eli?" 

Pinagtawanan lang ako ng lalaking kaharap ko, hindi ko siya makilala dahil sa itim na telang nakabalot sa mukha niya.

Mamamatay-tao ba siya? Magnanakaw? Rapist? Panget?

"Sabi ko naman sayo, babalikan kita diba?"

Natakot naman ako sa boses niya. Sisigaw na sana ako pero tinakpan niya ang bibig ko.

"Sino ba yung kasama mo? Kapatid mo? Kaibigan mo? Boyfriend mo?"

Eh bakit gusto niyang malaman? Chismoso lang si Kuya ha!

Pero naiyak na ako nun. Kahit na alam kong malakas si Eli at magaling makipagbasag-ulo,

paano kung nasaktan pa rin siya ng lalaking 'to.

"Wag kang umiyak!"

Wala akong magawa.

Patayin na lang niya ako kesa kung ano pa ang gawin niya saakin.

Ilang sandali pa, bahagya nang nakatanggal ang balot sa mukha niya.

Pero dahil madilim ang loob ng kwarto ko, hindi ko pa rin siya maaninag nang maayos. Panget nga siguro 'to!

"Sino ba ang lalaking yun? Mahal mo ba yun? Isang maling sagot mo lang, katapusan mo na."

Sa oras na yun, wala na akong dahilan para magsinungaling pa.

Pwedeng katapusan ko na kaya mabuti pang ilabas ko na ang mga nararamdaman ko.

Tumango ako.

"Mahal ko nga si Eli." Oo, mahal ko na nga ang lalaking yun. Kahit pa timongoloid yun!

Ngumiti naman saakin yung lalaki pero biglang sumimangot ulit.

Timang lang rin?

Unti-unti pa siyang lumapit saakin, at sobrang magkalapit na ang mga mukha namin. At infairness kay Kuya, mabango siya! Parang kaamoy ni...

Nagulat ako nang gawin niya ang isang bagay na hindi ko inaasahan.

Hinalikan niya ako, and it was fast yet gentle.

Nanlaki lang ang mga mata ko. Parang ngumiti siya pero hindi ako sigurado.

Akala ko kung ano pang ang gagawin niya.

Pero humawak lang siya sa leeg ko at wala pang ilang segundo, umiikot na ang paligid ko.

Napapikit ako at tuluyang nawalan ng malay.

At wala na akong maalala sa mga sumunod pang nangyari.

My Nephew-in-Law [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon