Chapter 35

26.7K 576 90
                                    

 (SAMIRA ALMIREZ POV)

Huwatttt!!! Si Eli daw nagseselos kay Kian? Owkamown! “Hindi nga?”

“Bakit ba ganun yung lalaking yun ha? Hindi maganda pakiramdam ko sa kanya.”

“So nagseselos ka nga? Oo o hindi lang naman ang sagot eh. Direchuhin mo na!”

“Oo… at dahil jan ilibre mo ako ng ice cream… at tsaka juice… at tsaka isang chichirya… at tsaka…”

“Wala akong pera! Tubig lang ang ibibili ko sayo dahil mura!” Nagtinginan lang kami ng masama, tapos natawa pa yung cashier sa harap namin. Siguro nawi-weirduhan siya saaming dalawa.

“Wala daw pera. Bakit tatlong tubig yang binili mo?”

“Isa para sayo, isa para kay Byron… at isa para kay Kian.”

“Kian na naman! Gusto mo na bang matapos ang buhay ng tukmol na yun?”

“Bakit ba galit na galit ka sa kanya eh wala namang ginagawang masama yung tao. At tsaka friends lang kami nun.” Pagkabili namin, bumalik na kami agad sa school para matapos na yung photoshoot. “Alam mo bang siya nga ang dumamay saakin nung panahong ang cold niyong dalawa ni Byron.”

“Hindi naman kasi pwedeng palaging mainit dahil baka kung saan mapunta yun? Lalo pa tayong dalawa lang ang magkasama palagi…”

“Ha? Ano namang ibig sabihin nun?”

“Wala!” Tapos kinuha na niya yung tubig sa plastic bag at ininom ang laman nito. “Wala na talagang dadaig sa pagka-slow mo.”

Papalapit na ulit kami sa groupmates ko at nakatingin na silang lahat saamin. Kaso bigla ba namang umakbay saakin si Eli kaya napatingin ako sa kanya. “Anong ginagawa mo…” Bulong ko. “Alisin mo yung kamay mo.”

“Bakit? Diba wala namang magagalit?” Mokong na ‘to! Baka kung anong isipin ng iba!

“Wow! Ang sweet niyo naman!” Inggitera lang oh!

“Syempre… lab na lab ko ‘tong Auntie ko na ‘to eh.”

“Eh… hehehe…” Napilitan na lang akong ngumiti, sabay siniko ko sa tagiliran si Eli. “Ah Byron, Kian, binilhan ko kayo ng tubig.” At inabot ko sa kanila yung mga bote ng tubig.

“Uy thanks beb!”

“Salamat Sam… pero paano ka? Wala kang inumin?”

“Sa drinking fountain na lang ako iinom.”

My Nephew-in-Law [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon