Chapter 45.2

19.3K 436 36
                                    

(SAMIRA ALMIREZ POV)

“Sam…?” Napalingon ako sa boses ni Kian. “Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa nagpapahinga?”

Alas-onse na kami natapos at dahil kaninang umaga pa kami nagta-trabaho, bagsak na ang lahat kaya lahat sila, nagpahinga na agad.

“Hindi pa ako makatulog eh.” Pagod ako, sobra! Pero dala na rin ng problema kaya hindi ako madalaw ng antok. “Bakit ikaw?”

Naupo sa tabi ko si Kian at pareho kaming nakatingin lang sa malayo. “Hindi rin ako makatulog eh. Iniisip ko yung kapatid ko, nandun kasi siya nakikituloy ngayon sa kapit-bahay namin.”

“Bakit kasi hindi mo siya sinama?”

“Makulit yun!” Nakwento na saakin noon ni Kian na silang dalawa na lang ng kapatid niya ang natitirang magkaramay. Two years ago lang daw nung iniwan na sila ng mama nila dahil sa sakit na cancer.

Yung papa naman nila, matagal na ring namatay. Kaya nga malapit ako kay Kian, kasi pareho kami ng sitwasyon. Ulila na sa mga magulang at tanging kapatid na lang ang natitirang kamag-anak sa mundo.

“Alam mo kanina pa kita napapansin.”

“Bakit kasi maganda ako?”

“Ang lakas mo Sam!”

“Joke lang.” Pinapapatawa ko lang sarili ko. “Anong napapansin mo?”

“Na parang malungkot ka. May problema ba?”

“Wala.”

“Kapag hindi mo sinabi yan ngayon, bibigat lang lalo yang pakiramdam mo.”

“Hindi mo kasi maiintindihan Kian.”

“Tagalugin mo para maintindihan ko.” Magagawa ko bang hindi mapalapit sa lalaking ito eh lakas ng sayad niya! Kahit problemado ako, nagagawa pa rin niyang mag-joke para lang mapatawa ako. “Kidding aside, ano nga? Sige na! Sabihan mo na ako ng problema.”

“Kian… may… may ipagtatapat ako sayo.”

“Ha? Ano? Na mahal mo ako?”

“Sira!!!” Binatukan ko na lang siya. “Inuunahan mo naman ako eh!!!”

“Mahal mo nga ako???”

“Oo!!!” Napatitig siya saakin bigla. “…but as a friend.”

My Nephew-in-Law [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon