Chapter 39

24.3K 495 39
                                    

(ELEAZER PASCUAL POV)

“Ano ba yan pare, hanggang ngayon ba hindi ka pa rin nakakaget-over kay Sunmi?”

“Ungas! Puppy love nga lang yung noon! Bakit niyo ba laging pina-aalala yung tungkol saamin? Kay Raffy na nga ako mga pare, mahirap bang intindihin yun?”

“Oh speaking of Raffy, palapit na sila ni tib…o?”

Anak ng pusanggala! Nakisalo na rin sina Raffy at Sheena sa pagsu-swimming pero pareho silang naka-bikini. “Whatcha lookin’ at, boys?”

“Bakit babae ka na naman ngayon Sheena?” Nasanay lang kasi akong asarin ‘tong babaeng ‘to natitibo-tibo noon eh. Pero alam ko namang babae na talaga siya.

Tapos napatingin ako sa itsura ni Byron nung makita niyang naka-bikini nga ang gerlprend niyang si Sheena. “Hoy bakit naka-ganyan ka?”

“Bakit masama?”

“Magpalit ka nga ng t-shirt dun? Wala ka naman sa beach eh!”

“Nasa beach o wala, ganito ako mag-swimming.”

At dahil nga nangako ako kay Sammy na tutulungan ko ngang pagbatiin yung mga kaibigan namin na pinag-away ng magaling kong step-sister, heto, gagawa na ako ng da-moves!

“Wag kang magpalit Sheena, bagay kaya sayo.” Tapos nag-smirk ako at napatingin lang silang lahat saakin. Ulitin ko lang ha, plano lang ‘to!!! Wala sa tipo ko ang makipag-flirt sa babae!

“Anong sabi mo Eli-byu?”

Lumapit ako kay Sheena tapos inakbayan siya. “Sexy naman ‘tong kaibigan namin eh, wag ka nang umepal Byron.”

“Oy-oy, ikaw Raffy. Bakit naka-bikini ka rin?” Napatingin din ako kay Raffy na inaaway na din ng tukmol na si Argel. So kailangan ko ring i-save si Raffy noh kaya inakbayan ko rin siya. Ang gwapo ko kasi, hwahaha!!!

“Anong bang problema niyong mga boyfriend kayo! Dapat nga matuwa kayo ang gaganda ng girlfriend niyo eh. Diba?” Tinignan ko sila Sheena at Raffy tapos binigyan ko sila ng tag-iisang kindat.

Ako – v(◣‿-)v --> Iba talaga pag gwapo noh?

Sheena – (◕//◕) --> Kinikilig yan, panigurado.

Raffy – (◕\\◕) --> Isa pa ‘to, crush ako nito eh.

Byron – (◑.◑) --> Manununtok na yan oh!

Argel – (ಠ.ಠ) --> Baka makalimutan niyang Idol niya ako.

Waine – (¬‿¬) --> Mukhang timang lang, hindi naman siya kasali eh.

My Nephew-in-Law [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon