Chapter 36

27.7K 513 48
                                    

 (SAMIRA ALMIREZ POV)

Ang sarap ng feeling na hindi ko na kailangan pang gumising ng maaga para ipagluto pa ng almusal ang damulag . Mas masarap pa lalo sa feeling na pinagsisilbihan na niya ako hanggang sa matapos ang taong ito!

Hay Dreamland!!! How I miss you! Napakaganda sa lugar na ‘to.

“Sam… Samira… Sammylicious…” Teka… pamilyar na boses yun ha? Kahit nananaginip ako, alam kong maaga pa! “Sam!!! Tumayo ka na jan!!!”

Oh no!!! Ayoko pang magising!!! Matulog ka Sam! Matulog ka pa!!!

Ako – ZzZ(-_-)ZzZ

 

“Sam!!!” – (ಠ__ಠ)

 

“Ano ba Eli!!!” - (ಥ╭╮ಥ)

 

“Tara na!!! Umaga na!!! Rise and shine beybe bugal!!!”

“Bakit kailangan mo pa akong gisingin?” Ang pangarap kong panaginip! “Nakalimutan mo na bang isa kang hamak na alipin ko?”

 

“Kaya nga nagluto na ako ng almusal eh!”

Tapos tinignan ko yung oras… juskoday! 6:30 pa lang!!! Christmas break pa naman na din ngayon tapos guguluhin niya lang ulit ang tulog ko? “Bakit mo pa ako ginising ha?”

 

“Eh kasi po hindi na ako sanay na hindi ka kasabay sa almusal! Dali tumayo ka na jan! Nag-imbento din ako ng almusal ngayon katulad ng madalas mong ginagawa!” Ano ‘to gantihan? Siya nag-imbento ng pagkain? At least yung niluluto ko masarap! Eh yung sa kanya?

“AYOKO PANG TUMAYO!!!” - (✖╭╮✖)

Nagtalukbong ako bilang simbolo ng pagpalag sa gusto ng kumag na ‘to. Kaso imbes na maawa, hinila pa niya yung dalawa kong paa paalis sa kama kaya akala ko tuluyan na akong babagsak sa sahig. “Uwaaahhh!!!” Pero dahil saksakan ng dami sa maneuvers itong si junanax, nasalo naman niya ako.

“Tara na kasi! Good mood ako ngayon.”

Nagpunta na kami sa kusina habang kinakaladkad niya ako. Gusto ko pa rin kasing matulog eh! Pero dahil wala na naman akong magawa, sumunod na lang ako.

Naupo na ako at todo asikaso naman siya saakin. Nag-apron pa ang tukmol! Kitam mo naman, feel na feel na niya ang pagiging butler ko! “Bakit ka ba good mood ngayon? At bakit parang feel na feel mo na yang pagiging katulong mo? Siguro may kasalanan ka saakin noh?”

 

“Mabait lang ako may kasalanan na agad?” At nilagyan niya ng hot chocolate ang cup ko samantalang gatas naman yung sa kanya. “Naisip ko lang na dahil bakasyon na natin, dalawin natin sila mommy at kuya Rico mo.”

My Nephew-in-Law [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon