Chapter 10

36.3K 804 57
                                    

(SAMIRA ALMIREZ POV)

"Tulungan niyo ako... please..." Basang-basa na ako ng ulan, at pinipilit kong kumawala sa lalaking dinala ako dito sa madilim na eskinita. Kasama kaya siya sa gang kanina? Anong gagawin niya saakin?

"Wag kang maingay Sam... baka marinig nila tayo." Bulong niya.

"E... Eli?" Nakayakap siya saakin mula sa likod, at pasilip-silip dun sa mga lalaking nagbubugbugan. "Anong ginagawa mo dito."

"Sinundan kita... dahil alam kong delikado na kapag ganitong oras." Tapos bigla siyang napapikit, at napaupo kami pareho. Nanginginig siya, at nagi-guilty tuloy ako.

"Bakit ka pa sumunod? Ang taas-taas pa ng lagnat mo." Nanahimik lang siya sandali...

"Anong gagawin mo kapag hindi kita sinundan? Papahamak mo sarili?" May point siya dun. I felt safer kasi ngayong nandito siya.

"Sino ba yung mga yun? Binubugbog nila yung mga kawawang lalaki... humingi tayo ng tulong Eli."

"Gang war yan... wala tayong magagawa sa mga yan. Kapag nahuli nila tayo na nakita natin sila, baka tayo naman ang pagdiskitahan nila." At tumitig siya saakin. "Kung hindi lang ako nanghihina, kaya sana kitang ipagtanggol ngayon eh." Tapos umiwas ulit siya ng tingin.

Medyo lumakas ang kabog ng dibdib ko. Parang napapadalas na yata 'to eh. "Pero paano ka? Hinang-hina ka na nga!"

"Just keep your mouth shut, Sam." Tapos ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko habang yakap pa rin niya ako. "Just trust me..." Malamig pa dahil mas lumalakas ang ihip ng hangin. At ramdam na ramdam ko na nanginginig siya sa lamig. "Pag-alis nila, saka na rin tayo makakaalis."

*     *     *

Half an hour na kaming nagtatago at nakababad sa ulan. Nung pagsilipulit  ni Eli, wala na yung gang at yung tatlong taong nabugbog kanina. Tumayo na kami pareho, pero mahigpit pa rin ang kapit niya saakin. "Tara Sam, dalian natin..." Tapos parang na-out-of-balance siya kaya napayakap ako ulit sa kanya.

"Sige Eli... kumapit ka lang saakin." Tapos dali-dali kaming umalis para umuwi na. Lalo ngang lumakas yung ulan, at habang akay ko si Eli, nararamdaman kong sobrang pagod na siya. Sorry Eli, I did this to you.

Pagdating namin sa bahay, bumagsak agad sa sofa si Eli... umuubo siya at namumutla nang sobra... "Eli... basa ka naman na, ang mabuti pa mag-shower ka sa maiinit na tubig!" Pinilit ko siyang itayo papunta sa kwarto niya at para makaligo siya sandali sa mainit na tubig.

May lakas pa naman siya para maligo mag-isa... sayang! Joke lang! This is a no laughing matter! Baka lalo lang tumaas ang lagnat niya!

My Nephew-in-Law [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon