Chapter 21

32K 731 91
                                    

(SAMIRA ALMIREZ POV)

"Wag kang pupunta sa bahay, maliwanag ba badessa!!!"

"Keriloo na beb!"

Nagkasundo kami ni Eli na hindi na muna namin aalamin yung ibig sabihin nun. Tama naman, hindi pa kasi ako handang umamin sa kanya na may gusto ako sa kanya.

Lokong Sunmi naman kasi yan... ang ibig sabihin ng, "Qitrix si Sam, betsive fatale ka nyawang majing bowawits!" ay... "Itong si Sam, sobrang gusto ka na niyang maging boyfriend!"

Parang sinabi na rin na in love na nga ako kay Eli!!! Haizzzz!!! Anyway, ano naman din kaya ang sekretong tinatago saakin ni Eli? Bakit ayaw niyang ipaalam saakin?

*     *     *

Naglalakad na ako mag-isa pauwi, nang may masalubong akong tatlong lalaki. Uso nga pala ang mga gang sa lugar na 'to. Buti na lang maaga pa, hindi naman nila siguro ako pagti-tripan!

Dinaanan ko lang sila, buti na lang hindi rin nila ako napansin. Kaso napatigil ako sa paglalakad ko... dahil may narinig akong umiiyak.

"Ah! Ikaw pala yung nakababatang kapatid niya! Alam mo bang malaki ang atraso saamin ng maangas mong kuya?"

"Bugbugin na natin 'to mga pre! Para makaganti na tayo sa kuya niya."

"Wag po... wala naman akong ginagawa sa inyo eh." Humahagulgol na yung kawawang gradeschool student na lalaki.

"Ikaw wala... pero ang kuya mo, malaki gulo ang ginawa saamin."

Tapos sinuntok nila yung kawawang bata. Hindi ko na napigilang pa ang sarili ko at nagmatapang na akong lumapit sa kanila. "Hoy ano ba kayo!" Lumapit ako dun sa batang lalaki, at humahagulgol siya.

"Tulungan niyo po ako ate."

"Wag ka nang umiyak, bata." Tapos tumingin ako sa tatlong lalaking nananakit sa kanya. "Ang tatanda niyo na, tatlo pa kayo, tapos pinagtutulungan niyo pa 'tong bata."

"SINO KA BA! BAKIT NAKIKIALAM KA!"

"Jan lang ako sa malapit na village!" Medyo malakas ang loob ko dahil medyo malapit na ako sa bahay eh.

"LUMAYAS KA DITO KUNG AYAW MONG PATI IKAW IDAMAY NAMIN!"

Hindi ko maiwanan yung bata, nakakapit na kasi siya saakin. Sa itsura pa ng mga adik na 'to, mukhang hindi sila nagbibiro! "Kapag hindi niyo pa kami iniwan, sisigaw na ako ng tulong!"

My Nephew-in-Law [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon