Chapter 27

31.1K 616 58
                                    

(SAMIRA ALMIREZ POV)

 

"Wake up!" Nagising ako na nakapatong ang ulo ko sa lap ni Eli. "Tsk! Hindi mo ba nagustuhan ang surprise ko sayo ha?"

Surpise? Pagbangon ko, nakita ko ulit sina Riley at yung Ishy na secret girlfriend ng idol ko. Mygawd... hihimatayin ako ulit!!! "Sam naman!!! Kapag hinimatayan ka pa ulit jan, sa kama na kita ihihiga."

Uwaah!!! "Ito na! Gising na gising na nga ako!"

 

"Pffft..." At sabay na pinigilang tumawa nung dalawa. "So totoo nga ang balitang natatanggap ko kina Argel at Waine... na maganda ka nga Sam."

Isang compliment galing kay Riley!!! Maganda daw ako oh! Uy kilig naman talaga! "Wag kang maniwala jan Sam, magaling lang mambola yan."

 

"So anong ibig mong sabihin ha? Hindi ako maganda?"

 

"Ano sa tingin mo?" Aba naman, siya 'tong sapilitan akong pinasagot para maging girlfriend niya ako, tapos hindi pala ako maganda! Binigyan ko nga ng matinding siko attack si Eli. "Aww!"

 

"So Eli, bakit mo nga pala tinatago sa tropa mo na kayo na?"

 

"Hindi ako ang may gusto nun, yan oh!" Sabay turo saakin, with matching evil looks.

"Teka... sinabi mo na sa kanila na tayo na?"

 

"Don't worry Sam, we understand your situation. Parang katulad lang namin ni Riley. Sina Eli, Waine at Argel lang ang nakakaalam."

 

"Pero, kailan niyo naman balak i-share kina Waine yang relationship niyo ha? Alam mo ba Sam, patay na patay din kaya sayo yung dalawang yun."

 

"Haha!!! Una-unahan lang yan!"

 

"Hindi ko pa sigurado eh. Ang saakin lang, mas mabuti kasing konti lang ang may alam para hindi mahalata ni Kuya Rico at ni tita Pia."

 

"Ayaw na niya kasing umalis dito. Alam mo na, takot nang mahiwalay saakin."

 

"Ang cyclone mo! Alam mo yun!"

 

"Oh bakit, yun yung dahilan mo diba?"

 

"Eh di papayag ka palang umalis ako kung sakali?"

 

"Syempre hindi!!!" Ayiiehh! Sabi ko na hindi mo ako matitiis Eli-byu eh! "Wala na akong tagaluto ng pagkain pag nagkataon!!!"

My Nephew-in-Law [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon