Special Chapter 2

29.5K 587 15
                                    

Naalala niyo yung inasikaso ni Sam ang may sakit na si Eli? Na sa sobrang pag-aalala niya at para mabantayan ang pamangkin niya, mas pinili niyang matulog sa sahig ng kwarto ni Eli. (Please refer to Chapter 10)

Narito po ang natatagong kwento ng scene na yun.

                                                                        Samira's Dream

Naligo na ako at nagpatuyo na rin sa sarili ko. Pagkatapos nun, dinalaw ko na ulit si Eli sa kwarto niya. Natutulog na siya kaso medyo basa pa rin ang buhok niya. Ang tigas ng ulo!!! Pero kesa naman sa gisingin ko pa siya, pinabayaan ko na lang din siyang magpahinga.

Alam ko na din pala kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko... kasi nga natakot ako sa nakita kong bugbugan kanina. Yun nga yun... yun siguro yun!

2:30 AM na, medyo bumaba na ang lagnat niya. Nilagyan ko ng cooler patch ang noo niya para mabawasan yung init sa katawan niya.

Tapos napatingin ako sa mukha niya...

*dugdug*

Ke-gwapong bata talaga nito ni Eli! At dahil talagang mahirap iwasan na hindi siya titigan, kinabisado ko ang bawat anggulo ng mukha niya.

May maliit siyang nunal sa pisngi, pa-heart shape yung labi niya, mahahaba ang mga pilik- mata, ang tangos ng ilong at ang ganda ng tabas ng kilay niya. Ang duga ni Lord, bakit ang perpekto ng mukha niya!

*hikab*

Uwaahhh! 4 AM na! Ganun katagal ko siyang tinitigan! Naglatag ako ng kumot sa sahig at kumuha ng unan saka ako nagpahinga. Pero tumtakbo pa rin sa isip ko yung anatomy ng mukha ni Eli.

"Matulog ka na nga Sam! Kung anu-ano pa iniisip mo!" - (>..<)

.

.

.

.

.

.

.

"Hoy Sam! Gising ka na!"

Umaga na agad? "Hmmmm..." Parang boses ni Eli yun ha, pero hindi ako sure. "E... Eli? Gising ka na?"

"Hindi Sam..." Tapos may sinabi siyang hindi ko naintindihan kaya nag-okay na lang ako. Tapos idinilat kong mabuti yung mata ko.

My Nephew-in-Law [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon