Chapter 6 ✔

40.5K 932 78
                                    

(ELEAZER PASCUAL POV)

Dumagundong ang puso ko nun ha. Tama bang yakapin niya ako nang mahigpit? Lalaki din naman ako!

"Eli ayoko na!!! Bahala ka isasama kita!!!"

Nakakahiya. Ano ba 'tong iniisip ko? "Bitawan mo nga ako! Pumasok ka dun sa kwarto!"

"AYOKO! Ako muna ang bitawan mo! Dahil kung hindi..." Mas hinigpitan niya ang yakap saakin at halos masakal ako sa pagpulupot niya sa leeg ko. "Promise, isasama kita Eli!"

Wala na akong nagawa. Kesa ma-suffocate ako. "Joke lang."

Hindi ko na rin kasi napigilan ang sarili ko. Parang umaakyat ang dugo sa mukha ko. "Walang multo, okay! Bumitaw ka na nga." Kunyari na lang nginitian ko siya para makapang-asar lang, "Sinong duwag ngayon? Quits na tayo! Magluto ka na ng dinner!"

Pero arghhh! Nauulol ka na ba Eli? Parang may lumalala kang sakit niyan eh! Teka! Baka si Sam ang may sakit! Nahawa lang ako! Tapos nararamdaman ko na ang mga symptoms ng kabaliwan. Grrrr...

*     *     *

"Idol... kanina ka pa tulala dyan." Magka-group kasi kaming tatlo nina Waine at Argel para sa isang project ngayong first grading. "Si Sam ba iniisip mo?"

I sighed. "Oo... Ha? Hindi ah!" Ano ba yan! Kumag naman kasi 'to! Nadulas tuloy ako! "Bakit iisipin ng gwapong tulad ko ang pangit na tulad nun?"

"Si Sam, pangit? Weh? Hindi nga!"

Oo na! Maganda na siya! Eh pero pangit pa rin siya! "Pero Idol, okay lang na maramdaman mo yan. Pareho kayong teenager! Nag-iinit ang mga katawan niyo! Diba tama ako Waine!"

"Aprub!"

"Nag-iinit ang mga katawan?" Nag-isip ako sandali. Talaga bang nag-aadvice ang mga 'to. Teka... "LOL! Ay! LUL pala! Mga iniisip niyo puro kamanyakan na naman eh!"

"Idol, tama naman si Argel! Binata ka, dalaga siya. Tapos kayong dalawa lang sa bahay." Tapos tinignan niya ako nang masama. "Ni minsan ba, hindi mo naisip na sunggaban siya sa gabi?" Saka sila nagtawanan sila.

Pero pinagbabatukan ko sila. "Wag niyo nga akong itulad sa inyong mga manyak!" Changgala yan! Sa gwapo kong ito, mag-iisip ako ng ganun sa babae. "Gwapong gentleman ako noh!"

"Wow Idol! Lakas mo!" Sabay nilang sinabi. Tapos biglang naging seryoso ulit sila. "Pero Idol, si Sam yung tipong pwede eh... pwede mong maging girlfriend. Astig kaya yun!"

My Nephew-in-Law [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon