Chapter 7 ✔

37.6K 871 84
                                    

(SAMIRA ALMIREZ POV)

Ano na naman bang ginawa ko at nabad-trip itong si Eli? Sige na, aamin ako na sobrang gwapo nga niya, super bango pa niya at walang babaeng hindi kikiligin sa kanya.

Kahit ako naman talaga natutuwa kapag naglalambing siya. Kaso, kakaibang landi yung pinakita niya nung nasa bookstore kami. Ewan, hindi ko siya maintindihan!

"Okay na ba yung project mo?" Nandito ako sa university at magkalampungan kami ni Byron ngayon, tutal wala namang tao sa paligid. Mabuti naman, nandito siya. Nakakalimutan ko si Eli!

"Oo. Two days nga lang, natapos ko na yun."

"Buti ka pa! Tulungan mo naman ako, beb! Sa Monday na yun diba?"

"Hmmmm... kiss muna!" Tinuro ko yung cheeks ko, at ni-kiss niya naman ako. "Sige na nga! Malakas ka saakin eh!"

"Thanks beb!" Nagtawanan kaming dalawa. Magkakilala na kami simula pa nung highschool at close kami na higit pa sa inaakala ng iba! As in! Because we're more than just friends.

"Uy kinilig naman ako dun! Gawa tayo sa bahay ng pamangkin ko ha!"

"Pamangkin? Okay!" Super excited na ako! Gusto ko kasing makilala na ni Eli si Byron! Ang one and only BF ko!

(ELEAZER PASCUAL POV)

"Tulala ka na naman Idol?"

"Nung Monday ka pa ganyan ah. Gusto mo tumambay muna sa bahay mamayang uwian?"

"Ano ka ba Waine! Si Sam baka mag-alala! Diba Idol?"

"Pwede ba, wag niyong banggitin saakin ang pangalan na yun!" Bad trip pa rin ako sa babaeng yun. Tomboy siguro yun kaya hindi napapansin ang appeal ko! Hindi sa gusto ko siyang magkagusto saakin, nakakasira lang ng pride! Wala pang babae ang nakakatanggi saakin!

"Eh di, sa inyo na lang ulit kami tatambay! Friday naman eh!"

"Idol, nakikinig ka ba?"

"Ha? Oh sige tara! Sa bahay ulit tayo ngayon!" Pero bakit naman ba apektado ako masyado? Sakit na talaga 'to eh! Ano bang gamot dito? Sabihin niyo nga saakin!

^( '-' )^

"Hello Sam! Welcome home!" In chorus pa talagang binati nina Waine at Argel si Sam pagkauwi niya. Crush kasi nila si Sam, bakit ba sila gandang-ganda sa kanya?

"Oh nandito na naman kayo? Naka-one whole straight week na kayo ha!"

My Nephew-in-Law [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon