Chapter 19

30.8K 648 37
                                    

(ELEAZER PASCUAL POV)

Nagkasundo na yata yung dalawa, alam ko kasi kapag naglalambing si Sunmi.

"Unnie~ can you clean my wounds again?"

 

"Unnie? Ano yun?" Tapos ginamot na ni Sam yung mga sugat ni Sunmi. Pinanood ko silang dalawa habang silang dalawa lang ang nagpapansinan.

"In a girls view, older sister ang ibig sabihin nun."

 

"Unnie din pala ako nina Waine at Argel."

 

"Hindi... Nuna naman ang tawag nila sayo kasi lalaki sila."

 

"Ah! Wow ang daming kong natutunanang Korean words! Haha!"

 

"Oo nga, dati sorry sorry lang ang alam mo." Oh sino ang kinakausap ko! Bakit hindi nila ako pinapansin? Nakakaloko na 'to, mukhang nagkaayos nga sila, nakalimutan naman ako!

Anyway, baka paranoid lang ako. KSP lang! Dapat nga masaya ako dahil wala nang gulo behind my back.

*     *     *

Ilang days nang maayos ang lahat! Nakakadalaw na ulit sina Waine at Argel, at parang naging close din ni Sunmi si Byron.

Mabilis lang ding lumipas ang araw. Umuwi na si appa galing Davao, and one day na lang, babalik na sila ni Sunmi sa Korea.

"Yah! Pa-deliver kayo ng pizza! Let's have a little party before we go back to Korea."

 

"Okay appa! I'll call for delivery!" Feel na feel ni Sam na tawaging appa ang papa ko. Nage-gets niya kaya kung anong pwedeng maging ibig sabihin nun.

"Call Argel and Waine too!"

 

"Okay! Hindi papalampasin ng mga yun ang kainan."

 

"Yeah! And call that gay-friend of Sam unnie too! Appa, he's just a total clown! Haha!"

 

"Wow... it's seems like you really enjoyed your stay here."

 

"Ne! Jeon neo-mu haengbok haeyo! (Yes! I'm so happy!) At tsaka nakasama ko si oppa for two weeks eh."

 

"Haha... I'm happy too, Sunmi." I smiled at her and patted her head. Panigurado, mami-miss ko siya pag umalis na sila bukas.

"Joa-yo! (Good!) I'm so glad for you sweetie!"

Nginitian din ako ni appa. Hindi na niya pinansin yung naka-bendang kamay ni Sunmi. Syempre mas masaya na siya dahil masaya naman na si Sunmi. Pero paano nga kaya nagkaayos sina Sam at Sunmi?

My Nephew-in-Law [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon