Chapter 44

2.2K 38 0
                                    

Elaine's POV


Isang linggo na rin ang lumipas simula noong nangyari. Pareho naming napagdesisyunan ni Anjo na huwag nang bigyan pa ng kaso si Paul, bagkus ay nagdesisyon ang abogado namin na bigyan na lamang ng restraining order sa'kin si Paul. I think that's good enough.

Nandito kami ngayong dalawa sa balcony ng condo habang nakatingin sa napalawak na syudad. Gabi na rin kaya sobrang sarap pagmasdan ng buong paligid.

"I'm not sure, Anjo."

He slowly nodded, "I understand,"

Nilingon ko siya at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Huminga ako ng malalim at nag-isip.

"Do you think... this is the right time?"

"Hindi naman kita minamadali sa ganitong bagay, Elaine... If you still want to take your time, then I respect your decision."

Inirapan ko siya at inabot ko ang wine glass tsaka uminom. Parang lalamunin pa ako ng konsensya ngayon.

"Okay. Let's do it."

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang paglingon niya sa'kin.

"Are you sure?"

"Yeah. Besides, there's nothing to be afraid of anymore," nilingon ko siya at ngumiti, "Because I have you,"

The side of his lip rose up and his eyes looked down at my lips. Halatang nagpipigil ng pag-ngiti kaya kinagat niya ang ibabang labi niya at iniwas ang tingin sa'kin.

"You really know my weakness..."

"Psh. Marupok ka lang,"

"Ah, ako ba?"

Ibinaba niya ang hawak niyang baso at tumayo tsaka lumapit sa'kin at hinawakan ang kamay ko.

"Let's go inside."

I rolled my eyes, "Oh, please..."

Binigyan na lamang niya ako ng nakakalokong ngiti at tsaka niya ako hinila papasok ulit sa unit.

I have so many thoughts inside me that I want to say but I'm not sure how to say them, so in the end, I just keep them inside me.

"We're here,"

Nilipat ko ang tingin ko sa labas. Hindi ko akalain na makakabalik ako ulit dito.

Noong panahon na pakiramdam ko wala akong mauuwian, ito ang naging tahanan ko. At ito na nga... nagbabalik na ako.

Bumaba na sa kotse si Anjo at umikot na siya para pagbuksan ako ng pinto. Hindi maalis ang tingin ko kung nasaan kami.

Inabot niya ang kamay ko at hinawakan iyon, "Welcome home..."

Ngumiti ako, pero hindi rin iyon nagtagal dahil sa iniisip kong mangyayari. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko kaya nilingon ko siya.

"Ready?"

Tumango ako. Ngumiti siya at tsaka na kami naglakad papasok sa loob.

Pilit kong kinakalma ang sarili ko habang nasa loob kami ng elevator. Pabalik-balik ang tingin ko kung nasaang floor na kami dahil sa totoo lang ay hindi ako mapakali habang paakyat ito ng paakyat.

At nang tumunog na ito dahil nasa palapag na kami ay parang gusto ko na mag-back out.

Pero hindi. Nandito na kami.

Pagkabukas ng elevator ay sumalubong ang itsura ng penthouse. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang buong loob. It feels so nostalgic coming back here. My heart keeps reminding me the times that I'm here when I feel lost at my own home. And after how many years had passed... it's still feel like home. Bittersweet.

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Where stories live. Discover now