Chapter 21

3.6K 60 0
                                    

Elaine's POV


My heart feels heavy. My throat feel tight. The world around me gets bigger and I feel so small.

"See you at school."

Hindi ako nakapagsalita kaya binaba ko na ang tawag. Napasinghap ako at nakasandal lang sa kotse ko habang nasa tapat ako ng bahay nila.

May sapat na rason na ako para hindi na pumunta pa dito, pero sa huli, nandito pa din ako at tinawagan ko siya kasi gusto ko siyang makita pagkatapos ko siyang hindi pansinin buong araw... pero mukhang hindi ko kakayanin na harapin siya ngayon.

Sobrang bigat ng mga nalaman ko. Gusto kong magalit. Pero wala pa akong sapat na lakas para doon.

Nang malaman ko na gising na si Anjo, pumunta ako ng school para lang kumuha ng impormasyon kay Miss Maxine. Then I contacted her to talk about something.

"Hindi ako ang makakapagbigay ng sagot sa'yo."

Saad niya habang kausap ko siya sa telepono.

"What are you talking about? Kakasabi mo lang sa akin na kausapin kita kapag may gusto akong malaman."

"Yes, I know. But there's someone... I'll give you the details."

Hindi ako pumasok kinabukasan dahil makikipagkita ako dito. Ilang beses na akong tinatawagan ni Anjo pero hindi ko 'yon magawang sagutin. Gulong-gulo pa ang isipan ko.

Pagkapasok ko sa isang coffee shop ay iginala ko agad ang mga mata ko. Hanggang sa may tumayo na lalaki at nakatingin sa akin kaya agad akong lumapit sa kanya.

"Elaine Santiago?"

Tumango ako. Inabot niya sa akin ang kamay niya.

"I'm Roderick Garcia. Maxine's father."

I don't want to be rude this time so I shook his hands, pero mabilis ko din 'yon binitawan at naupo na. Hindi pa kami nakakapagsalita ay tumunog na naman ang phone ko at alam kong si Anjo 'yon.

Ang kulit. I turned it off para hindi na ulit siya makatawag.

Huwag siyang mag-aalala, pagkatapos ng usapan na 'to, pupuntahan ko din siya.

"Matagal na talaga kitang gustong makausap... pero hindi ako makahanap ng tyempo. Mabuti na lang at estudyante ka pala ng anak ko."

Pinagmasdan ko siya. I guess he's already in 40's. Mukhang ka-edad niya lang si Papa. He's wearing black polo tucked inside his jeans, but he still looks formal.

"Huling kita ko sa'yo ay sobrang liit mo pa... ngayon ay dalaga ka na,"

I nodded, "Enough with the chitchat. I want to know about something."

Bahagya pa itong nagulat. Pero mabilis din itong tumango sa akin. Habang tumatagal at lumalalim ang usapan namin, mas lalo akong kinakapos ng hininga. Ayaw maproseso ng tama ng utak ko ang mga sinasabi niya.

"Norman didn't commit suicide... he was murdered."

I was right... hinding-hindi gagawin ni Papa iyon sa sarili niya kahit sobrang bigat na ng problema niya.

"And Paul was behind all of it."

Napapikit ako kasabay ng pagtulo ng luha ko.

I didn't know what to say. Parang bumagsak ang buong mundo at pasan ko ito ngayon sa likod ko. Sobrang bigat. Sobrang nakakagalit.

Habang nagmamaneho ako pauwi sa apartment ay blanko lang ang isipan ko. Hanggang sa sumagi sa isip ko ang usapan namin kanina ni Anjo... ngayon ko lang siya narinig na ganon kalungkot ang boses. Pakiramdam ko ay may gusto pa siyang sabihin pero hindi maudyok ng bibig niya banggitin ang mga salita na 'yon.

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon