Chapter 34

2.7K 56 2
                                    

Elaine's POV


Pagkatapos ng PhFW ay hindi na muna ako nagtrabaho. Naghanap ako ng shooting range at nakahanap ako sa QC. Kasama ko si Seth at Sancha pero dahil hindi naman sila mahilig sa ganito ay naghanap sila ng libangan at magkikita na lang kami pagkatapos.

It's just amazing because they have an outdoor range. Pwede pang mag-request kung anong target ang gusto mo kaya napili ko ang mga bote para maiba naman. Limang bote ang kailangan kong tamaan mula sa kinatatayuan ko.

Natamaan ko ng sunod-sunod ang mga bote. Nakita ko na pumalakpak ang instructor sa gilid ko. Hinubad ko ang suot kong earmuff.

"You're a good shooter, Ma'am! Pwede nang action star!"

Ngumiti ako dahil sa sinabi niya. Kinuha niya ang hawak kong pistol para i-reload ulit ng ammo.

"Excuse me, Ma'am. Kanina pa po kasi may tumatawag sa telepono niyo at baka importante po."

Nilingon ko ang isa sa mga assistant dito, inabot ko ang phone ko sa kanya at nagpasalamat. Kumunot ang noo ko, sino naman ang tatawag sa'kin ngayon?

Pumasok ako sa loob ng building para sagutin ito. Mas lalo akong nagtaka nang makita kong unknown number. Psh.

Binaba ko agad ito. Maglalakad na sana ulit ako palabas nang tumunog ulit ang phone ko at tumatawag na naman sa'kin 'tong unknown number. Kaya binabaan ko ulit. Pero tumawag ulit. Aba, loko?

I'm about the block that number pero may na-receive akong text galing dito.

[This is Anjo. Don't hang up.]

Natigilan ako sa nabasa. What the hell? Hindi pa nagpo-process sa'kin ay tumunog na naman ito para sa isang tawag.

Ngayon ay sinagot ko na.

"Thank God you answered." saad niya.

"How did you get my number?"

"I have my sources."

Naningkit ang mga mata ko, "Sources, your face. You're invading my privacy, Mr. de Guzman."

"Am I?"

May halong pangloloko pa sa boses niya. So annoying.

"Where are you?"

"Bakit ba? Close ba tayo para sabihin ko pa sa'yo?"

"Sungit mo naman..."

Napairap ako sa kawalan. Sumilip ako sa labas para tingnan kung okay na ba yung ni-reload na pistol na gagamitin ko. Naging maingay pa ang paligid nang magpaputok ng baril ang iba dito sa range.

"What the hell is that, Elaine?! Nasaan ka?"

Nalayo ko ng bahagya sa tenga ko ang phone dahil sa pagsigaw niya.

"Can you please calm down--"

"Paano mo nasasabi 'yan habang--" *bang*  "Fuck!"

Narinig ko pa ang iilan niyang mura sa linya. Gusto ko na lang matawa dahil sa reaksyon niya, kinagat ko ang labi para mapigilan ang tawa ko.

"Nasa shooting range ako. It's normal to hear gun shots, so please, calm your ass down, Anjo."

Hindi siya nagsalita. Siguro ay pinoproseso ang sinabi ko.

"Bakit ka nandyan? Saan 'yan?"

"Why? Pupuntahan mo 'ko?"

"Of course. Come on, where are you?"

Napangiti ako, "I'm..."

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Where stories live. Discover now