Chapter 4

6.9K 121 2
                                    

Elaine's POV


Tiningnan ko ang ayos ng kwarto ko at halata nga na may gumulo dito. Nakabukas pa ang ilang drawer sa cabinet ko, tiningnan ko kung may nawala ba doon pero magulo lang ito at wala naman nawala.

Lumingon ako sa kama ko ngayon at nakaramdam ako ng pangungulila dahil wala na ang teddy bear ko.

Lumingon ako sa bedside table ko at nakita ko ang picture frame namin ni Papa. Kinuha ko ito at tiningnan... how I wish you're still here with me, Papa.

Nang makapa ng frame ang kaliwang palad ko ay doon ko naramdaman ang hapdi nito. Dumerecho na ako ng banyo at hinanap ang first aid kit, binasa ko ang kamay ko at ininda ang sakit. Nang maalis ang dugo sa kamay ko ay doon ko lang nakita ang malalim na sugat. Psh.

I slightly put an ointment and after that the bandage. Pagkatapos kong gamutin ang kamay ko ay nagbihis na ako ng pantulog at dumerecho na sa kama ko. Inayos ko ang picture frame namin ni Papa at tinitigan iyon.

Ever since I was kid, nasaksihan ko kung gaano kaganda ang pag-handle ni Papa sa business namin kaya nasasagot niya lahat ng kinakailangan ng pamilya namin.

Dahil ayokong nalalayo sa kanya ay madalas niya akong sinasama sa opisina niya at nakikita ko ang iba pang mga businessman kagaya niya. Hangang-hanga ako dahil sa pagiging professional nila sa kanilang trabaho.

Papa always got what we need, he always buy Mom's needs... clothes, shoes, bags, accessories... money. Nabibilhan niya kami ni Kuya Jace ng mga gusto namin like toys, whatever foods that we crave... madalas niya din kaming napapasyal sa iba't ibang lugar.

Ito ang bunga ng pagiging masipag niya sa trabaho. Na minsan kahit nasa bakasyon kami ay nakikita ko pa rin siya na nakaharap sa laptop niya at nagbabasa ng mga papeles.

That's why I love him being my Papa. He is truly the best.

But when there's something that he can't buy and give... alam kong nagkakaroon siya ng problema sa trabaho siya. Lagi kong naririnig ang away nila ni Mama dahil don.

"Anong ibig mong sabihin na sarado na ang bank account natin, Norman?!"

"I need to close it temporarily. Magtipid na muna tayo."

"And why?"

"You just purchase a BMW worth 8 million, Linda. Pero nasaan ang kotse? Kahit resibo ay wala kang maipakita sa akin!"

"So, what are you trying to say? Na minomodus ko ang sarili nating pamilya?"

"Linda, nagtatrabaho ako ng marangal para sa pamilya natin! Para masagot ang lahat ng pangangailangan natin pero ikaw, ano? Hinahayaan kita na gumastos dahil gusto mo! Pero lahat ng binibili mo ay hindi ko nakikita! At ang akala mo din ba hindi ko malalaman na ginamit mo ang credit card natin para mag-check in sa isang VIP Room sa isang hotel? Huh? Bakit ka maghohotel kung may sarili naman tayong bahay?!"

"A-ano bang s-sinasabi mo--"

"Ano? Yung kotse ba na yon ay para din sa lalaki mo ha?!"

Nagulat ako dahil sa malakas na sampal ni Mama kay Papa. Naramdaman ko ang pag-init ng mata ko dahil sa nasaksihan at tuluyan nang naiyak...

Ilang sandali lang ay hinarap ako ni Kuya sa kanya para mayakap ako at tinakpan ang magkabilang tenga ko. At doon na ako tuluyang umiyak sa mga bisig niya.

Habang tumatagal ay mas lalo kong nakikita ang pagiging problemado ni Papa. Mas madalas na rin silang mag-away ni Mama kumpara dati, may mga araw din na hindi na ito umuuwi kapag grabe ang away nila.

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Where stories live. Discover now