Chapter 1

11.6K 163 3
                                    

Elaine's POV

"We are often let down by the most trusted people and loved by the most unexpected ones. The world is a mixture of people, we just need to know which hand to shake and which hand to hold."


"Elaine?"

Napamulat ang isang mata ko. Hindi ko pinansin si Manang at pinagpatuloy ang pagtulog ko at siniksik ko pa lalo ang sarili ko sa kama.

"Elaine..."

Naramdaman ko na palapit siya sa akin kaya inunahan ko na siya at bumangon na ako. Unang-una, sino ang nagbigay ng permisyon sa kanya na pumasok sa kwarto ko?

"What?"

Natigil siya saglit dahil sa reaksyon ko. Naghintay pa siya ng ilang saglit bago magsalita ulit.

"M-mahuhuli ka na sa klase mo..."

Inayos ko ang buhok ko at humiga ulit. Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim...

"Get out."

"U-uh, papasok ka na ba?"

"I said, get out."

Natahimik siya dahil sa sinabi ko, ilang sandali lang ay narinig ko ang paglabas niya at pagsarado niya sa pintuan ng kwarto ko.

Kailangan ko na siguro matuto mag-lock ng pinto?

Kahit ayoko pa bumangon, pero wala akong choice ay dumerecho na ako sa banyo at naligo na. Nagbihis ako ng uniporme ko at naghanda.

Mabilis akong bumaba ng hagdan at nakita ko ang babaeng 'to sa kusina na kumakain na at nang mapansin niya ako ay natuon sa akin ang tingin niya.

Ngumiti sa akin si Manang, ang kasambahay namin at nakita ko ang pagsalubong ng kilay ni Queenie, napairap ako dahil doon at dumerecho na lamang doon para uminom ng tubig.

"Breakfast?" tanong sa akin ni Manang.

Pagkatapos kong uminom ay hindi ko siya pinansin ulit at dumerecho na ako para lumabas na ng bahay. Mabilis akong sumakay ng kotse ko at sinubsob ang mukha ko sa manibela.

Sobrang gutom na ako!

Kung wala lang talaga ang igratang babae na iyon ay dapat nakakain dapat ako!

Nagsimula na akong magmaneho papunta sa school at nang malapit na ako ay agad kong pinark ang kotse ko sa may Parking Lot.

Napatingin ako sa malaking gate ng school namin.

UPHSD.

Hindi ko rin alam kung bakit nagtitiis ako sa bulok na school na ito.

Lumabas na ako ng kotse ko at nakita ko ang pagsinghap ng ilang estudyante nang makita ako at napansin ko ang mga bulungan nila... hindi siguro nila inaasahan na makita ulit ako.

"Oh my gosh, Girl Monster is back."

"Ang tagal niya rin nawala noh? Hindi ko akalain na babalik pa siya."

"Hell is here again..."

Tiningnan ko silang lahat at nakita ko ang gulat sa mga reaksyon nila at mabilis na umiwas sa akin. 

Habang papunta sa klase ko ay may humarang sa daan ko,

"Oh, guess who's back?"

Narinig ko pa lang ang boses niya ay parang gusto ko nang putulin ang dila niya!

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon