Chapter 17

3.6K 65 0
                                    

Elaine's POV

Hindi ako makatulog. Kanina ko pa pinipilit na ipikit ang mga mata ko pero hindi talaga ako dinadalaw ng antok. Huminga ako ng malalim at tsaka bumangon. Tumingin sa orasan at alas dos na ng madaling araw.

Umalis ako sa kama, lumipat ako sa study table at binuksan ang lampshade sa tabi nito. Itutuloy ko na lang siguro ang pagrereview hanggang sa dalawin ako ng antok.

Nilapag ko ang libro hanggang sa nakita ko ang isang photo album. Hindi ko alam kung bakit dinala ko pa 'to hanggang dito sa apartment... ako na lang kasi ang nagtago talaga nito. Hindi na rin 'to kailangan pa ni Mama dahil may bago na siyang pamilya.

Kinuha ko iyon at lumabas sa kwarto tsaka dumeretso sa kusina. Kumuha ako ng gatas sa ref at naupo sa high chair. Humugot ako ng malalim na hininga bago ko buksan ang photo album.

Unang bumungad doon ang picture namin ng Kuya ko. We're so little. Pareho pa kaming bungi dito sa picture. Sumunod ang picture ko when I was 4 years old and I'm wearing a witch costume because it's Halloween, may hawak pa akong walis at hindi man lang ako nakangiti. Masama na talaga loob ko noon pa.

Nilipat ko at bumungad sa akin ang picture ni Mama at Papa. Nasa labas sila ng mansyon at yakap ang isa't isa.

Sumunod doon ang picture namin ni Papa at Kuya at nasa swimming pool kami, baby pa ako dito kaya naka-salbabida pa ako na donut. Sumunod ang picture ni Kuya Jace na umiiyak habang nakatingin sa laruan niyang Batman na nasira ko. Iyakin.

Hanggang sa nalipat na ako sa family picture namin. Kaming apat. Sobrang saya namin tingnan sa picture na 'to. Akala ko kapag kumpleto ang myembro ng pamilya, dapat ay masaya. Dapat kontento. But I guess... no family is perfect.

Hindi na ako nagtagal doon kaya nilipat ko na. Sumunod ang mga larawan ni Papa. I smiled, I really miss him. Sobrang sakit pa din isipin na wala na talaga siya kahit ang tagal nang panahon na iyon.

He looks so happy in these photos. Nakuha ko talaga ang features ng mukha niya, kaya siguro sobrang Daddy's girl ako dahil magkamukha kami.

Nasa opisina si Papa sa picture na ito. Isa siyang CFO sa isang top-level company. Noong bata pa ako ay hindi ko maintindihan ang purpose ng pagiging Accountant at may CPA na nakasunod sa pangalan mo. Pero ngayon na alam ko na ay nakakatuwa malaman na ganon ang trabahong pinili niya. Na pati si Kuya ay na-inspire sa kanya at gumradute din sa kursong Accountancy at hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa din sa ibang bansa.

Ako kaya? Kapag ba tinuloy ko ang Nursing, eh, magiging Nurse kaya ako balang araw? Ic-claim ko rin ba ang RN sa pangalan ko? Hindi ko ba 'to susukuan?

Naningkit ang mga mata ko habang tinitiningnan ang isang litrato. Kasama ni Papa dito ang ilan sa mga ka-trabaho niya. Kumunot ang noo ko, is this... Paul de Guzman? Magkatabi sila ni Papa. Magkatrabaho sila noon?

Naalala ko noong sinasama ako ni Papa sa opisina niya. Nakilala ko ang ilan sa mga ka-trabaho niya dahil tuwang-tuwa sila sa akin. May isang ka-trabaho si Papa na lagi akong binibigyan ng candy dahil madami daw talaga siyang laging baon dahil paborito rin iyon ng anak niya.

I gasped. That was Anjo's father.

Kaya pala sobrang familiar nito sa akin nang makita ko siya sa party.

Ano kaya naging position nito sa trabaho noon? Kasi ngayon isa na siyang Chairman... Eh si Papa kaya? Kung buhay pa siguro siya ngayon... ang layo na din ng narating niya katulad ni Paul de Guzman.

Umiling ako at isinara na ang photo album nang mapansin ko kung anong oras na.



Mabilis na dumaan ang semestral break. Dalawang linggo rin iyon. Ang iba sa mga kaklase ko ay may kanya-kanyang mga bakasyon habang ako ay nanatili lang sa apartment. Tsaka nagkaroon din ako ng time na ayusin ang mga gamit dito lalo na ang balcony.

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα