Chapter 23

3.2K 63 0
                                    

Elaine's POV


"Norman was supposed to be promoted as the President. Hindi iyon natanggap ni Paul. Kaya gumawa siya ng paraan para makuha ang assets ng mga kompanya na naka-invest sa amin. I know there's something going on... pero huli na din ako nang malaman ko ang tunay niyang intensyon. Sinisi niya ang lahat kay Norman dahil nga ito ang CFO."

Bumuntong hininga si Roderick bago ipagpatuloy ang sinasabi.

"Nalubog sa utang si Norman... sa kanya sinisi ang lahat. I tried to do anything, hindi lang ako, pati na ang lahat ng tao sa kompanya. But... we failed. I witnessed how depressed your father is. Araw-araw ay nakikita ko kung paano niya gustong gawan ng paraan, pero nawawalan siya ng pag-asa. Nagdaan ang ilang linggo, tuluyan nang bumagsak ang kompanya. Pati kami ay damay na din. Hanggang sa... narinig namin ang usapan nila Norman at Paul sa loob ng opisina ng iyong ama. They keep on shouting to each other, sinisisi sa isa ang nangyari. Hanggang sa nagsalita si Norman na nagpatigil sa aming lahat..."

Tumigil siya sa pagsasalita. Tumingin ulit sa akin at tsaka hinilamos ang mukha bago ulit magsalita.

"Mabuti na ang mamatay siya kesa akuin ang kasalanang hindi naman niya ginawa. Kasunod noon... ang pagputok ng isang baril."


"ABC News has just a video file of DG Corporation Chairman, Paul de Guzman, about admitting the crime. Let's watch the file, first."

Pinakita sa balita ang video na ni-record namin. Umaga na at nagsisimula nang umingay ang balitang ito, kahit hanggang pag-uwi namin dito sa Laguna ay naabutan namin na ito din ang pinag-uusapan.

Tsaka na dumako sa isipan ko si Anjo. Kilala sa buong campus kung sino ang pamilya niya lalo na ang ama nito. I wonder... what was his reaction after hearing the news. Lalo na si Tita Maricel. I know I shouldn't feel anything, dapat ay hindi ako ma-guilty sa ginawa ko... Because, first of all, Paul deserves that.

Sa sobrang daming iniisip, pinili ko na munang umuwi sa apartment. Ilang linggo na rin akong hindi nakakauwi. I just want a peace by myself for now, pagkatapos kasi ng lahat ng nangyari ay hanggang ngayon ay mabigat pa din ang pakiramdam ko.

Pagkadating ko sa apartment ay lahat ng tingin ng tao ay nasa akin. Hanggang sa naglalakad ako ay nasa akin talaga ang buong atensyon nila. Nakahinga na lang ulit ako ng maluwag nang pagkasarado ng elevator. Pagkatungtong ko sa 6th floor ay dumiretso na ako sa unit, diretso sa kwarto at agad kong ibinagsak ang sarili ko sa kama.

Pati ang paghinga ay parang nahihirapan pa ako.

Ilang oras ang lumipas ay ganon lang ako. Hanggang sa narinig ko ang pag-doorbell. Akala ko nung una ay namali lang ako ng dinig hanggang sa umulit pa ito. Wala na akong nagawa kaya bumangon na ako para pagbuksan kung sino ang nandon. Nahanap ba agad ako ng tauhan ng Paul na 'yon?

Pero pagbukas ko ng pinto, sumalubong sa akin ang babaeng naka-krus ang magkabilang braso.

"Mom?"

Umangat ang tingin niya at walang pasabi na pumasok sa loob. Tumigil siya sa may sala at nanataling nakatalikod sa akin.

"What are you doing here?"

"What the hell happened, Gabriella Elaine?"

"If you watch the news, you will know what happened."

"Bakit mo ginawa 'to?!"

Humarap siya sa akin at nakita ko ang puno na hinanakit sa mga mata niya. It feels like... she's really tired fixing my mess. At sa ngayon, dahil sa sobrang laki ng gulong pinasok ko ay wala na talagang natirang pasensya sa kanya.

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Where stories live. Discover now