Chapter 16

4.1K 71 0
                                    

Elaine's POV


Tahimik ako na naglakad papunta sa Parking Lot. Uwian na at mabuti naman dahil walang nangungulit sa akin kasi may klase pa si Anjo habang si Jen naman ay pinatumba ko, not necessarily na tumba, pinalayo ko lang siya sa akin dahil sa sobrang kulit.

Tsaka... pagkatapos kasi ng party na iyon ay hindi ko maiwasan ang mapaisip sa pamilya nila Anjo.

I just... don't know...

Sumakay ako sa kotse ko at lumabas na ng campus. Hindi pa ako nakakalayo sa gate ay may bumato ng puting pintura sa kotse ko! What the fuck? Agad akong pumreno at sumilip sa labas.

Lima silang babae habang ay isa ay nakauniform pa ng UPHSD. Hanggang sa unti-unti ko na silang naalala... yung nasa gitna ay si Clarisse, ang mga kasama niya ay ang mga nambugbog sa akin.

Damn. This is the moment I've been waiting for.

Mabilis akong bumaba sa kotse at tiningnan ko muna kung pintura ba iyon dahil punyeta, ang mahal magpalinis ng kotse kapag ganito. Pero nang maamoy ko ito ay tsaka ko lang nakumpira na carbonara sauce iyon. Kumunot ang noo ko. Should I be triggered by this?

Masama ang tingin nila sa akin pero nagawa ko pang sumandal sa kotse ko at tiningnan sila isa-isa.

"What? Bugbog part 2 ba 'to?"

Mas nakita ko ang galit sa mga mata nila na labis ko namang ikinatuwa. Ang tagal kong hinintay 'to, sila na mismo ang lumapit sa akin kaya mas lalo akong nagalak.

"Kailangan mong pagbayaran ang ginawa mo sa mga kaibigan ko," saad ni Clarisse.

"Okay... magkano ba?"

Gets ko ang ibig niyang sabihin pero nakakatuwa kasi silang pagkatuwaan muna. Tiningnan ko kung may hawak ba sila na baseball bat at wala naman.

Nice. Physical fight na ba 'to?

"Ano? Masaya ka bang na-expelled kami at ikaw ay malaya pa rin sa campus na 'to? Dapat ay mapatalsik ka din!"

I crossed my arms. "Wag niyo isisi sa akin ang katangahan niyo."

"Anong tanga?! Hindi kami tanga--"

"Boooo," saad ko at nag-thumbs down pa.

Galit na lumapit sa akin si Clarisse at kinuwelyuhan ako. Tiningnan ko siya at kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil natutuwa talaga ako na makita siyang ganito kagalit.

"You evil bitch! Napakalaki mong epal!"

I smirked. Kahit ganon ang sinabi niya eh parang pinupuri niya ako.

Dumeretso ako ng pagkakatayo at dahil mas matangkad ako sa kanya ay umangat ang tingin niya sa akin. Idinikit ko ang daliri ko sa noo niya at tinulak siya... automatic na napabitaw siya sa akin at napaatras.

Para siyang naging bulate at sobrang nanlambot.

Niluwagan ko ang necktie ko at sumandal ulit sa kotse ko.

"Ang boring niyo naman kaaway. Nag-expect pa naman ako ng malaki kasi nabugbog niyo ako ng malala last month,"

"H-huh! Hindi lang jan nagtatapos 'yan... dahil ngayong oras ay tatapusin ka na talaga namin!"

Hindi na ako nakapagsalita pa nang may lumapit na grupo ng mga kalalakihan sa likod nila. Nalipat ang tingin ko doon at napairap. Nagdala pa talaga sila ng back-up?

Tatlo sila at ang isa sa kanila ay sobrang laki ng pangangatawan, I mean, sobrang taba. Botchog.

Nagtagisan kami ng tinginan, pero hindi rin ako nagtagal na tumingin dahil ang papangit nila. Ang sakit sa mata.

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Where stories live. Discover now